AUTHOR'S NOTE

2.6K 110 9
                                    

Finally! Natapos ko rin itong short story ko. Actually ilang years na 'tong naka draft lang sa wattpad ko. Minsan ko lang din 'tong ina-update kapag pumasok lang sa isip ko at kapag sinipag lang ako, ayun! Doon ko siya ina-update.

First and foremost, I wanted to say thank you very much sa mga nagbasa, nagbabasa, at magbabasa pa lang ng story na 'to kahit na short story at not typical love story itong sinulat ko eh atleast nalibang ko naman yung sarili ko habang sinusulat ko 'to. Kapag kasi talaga pumasok sa isip mo na magsulat ka, gumawa ka ng kwento, talagang ipupush mo yung sarili mo para lang magawa yon.

Katulad ko, dami ko rin naencounter na problema habang sinusulat ko 'to. May mga times na tinatamad talaga ako kaya ngayon ko lang ito napublish. I swear, matagal ko na talaga 'tong isinulat matagal ko na 'tong sinimulan 2 years ago ko pa yata itong plinano at nasimulan pero this year ko lang pinublish. Grabe kasi yung atake talaga pag tinatamad ka. May mga times din naman na todo sulat ako kasi ang daming pumapasok sa utak ko. Minsan naman busy ako, marami akong ginagawa dahil 1st year College na ako kaya medyo nagsusunog tayo ng kilay. Minsan naman yung tipong ang dami mong gustong gawin sa buhay tapos 'di mo naman alam kung paano sisimulan nagrambol-rambol na lahat ng gusto kong gawin sa utak ko kaya wala man lang akong nagagawa. Marami talaga akong problema na naencounter nang isulat ko 'to, kaya laking pasasalamat ko talaga at proud ako sa sarili ko na nakatapos ako ng short story. Another achievement unlocked na naman ito para sa akin.

I'm a reader and a writer here at wattpad, katulad niyo lang din ako na nagbabasa ng mga story dito. Kumukuha lang din ako ng mga techniques how to write a story. I'm not a pro kaya respeto na lang din po sa akin but I will accept if you will critique my work so, that I will improve myself in writing.

Once again, thank you very much po. See you sa next work ko. Let just say, see you next year ulit. Char! Sana suportahan niyo pa rin po ako hanggang dulo. Stay safe and God bless us all. Do whatever you want to do, just keep it right. Don't forget to smile. Lovelots! 💚 Adios! ✌🏻

Kaklase (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon