I'm here at my room because it's saturday, wala kaming pasok pero napagdesisyonan kong maglinis ng kwarto ko ngayon dahil may nakikita na akong alikabok kung saan-saan kaya eto maglilinis na ako. Wala rin naman yung parents ko dahil umalis sila, nagdate yata.
Naghanap ako ng music sa phone ko para i-play dahil nakagawian ko nang magpatugtog ng kanta habang naglilinis, para kasing nababawasan yung pagod ko kapag naglilinis ako ng may music. Nahanap ko yung everything sucks ni vaultboy kaya plinay ko na ito at nagstart na akong maglinis.
"Everything sucks, just kidding. Everything is great no really.." sabay ko sa pagkanta habang nagwawalis. Ako yung tipo na mahilig talaga sa music pero 'di gaano kaganda yung boses ko, oo marunong akong kumanta kaso 'di ako gano'n kagaling katulad nila Taylor Swift, mga KPOP Idols, at ni Harry.
Naisip ko na naman si Harry. Balita ko sinagot na ni Monica si Harry base kasi sa mga galawan nila at pag-uusap nila masaya sila at makikita mo sa kanilang mga mata na inlove nga talaga sila sa isa't isa.
Naalala ko nung retreat namin may kaibigan pala si Harry na hindi nila masyadong napapansin yung isa't isa.
FLASHBACK ⏪
Last night na lang namin dito sa retreat house. May last activity kami and ang alam ko 8 pm na ngayon. Kasalukuyan kaming nakabilog at nasa gitna yung guest speaker ine-explain kung ano ang last activity namin ngayon.
"So, people for the last activity niyo rito sa rest house ang gagawin natin ay parang open forum ngunit may twist. May kandila rito na sisindihan ko mamaya pag nagsimula na. Ang purpose nitong kandila ay ibibigay ng volunteer itong kandila na ito sa taong gusto niyang sabihan ng pasensya kung may nagawang mali man siya sa taong 'yon o kaya naman sabihan ng salamat kung naappreciate niya kung ano man ang nagawa nung taong 'yon sa kanya. Tapos tuloy-tuloy lang 'yon kung sino binigyan ng kandila 'yun yung susunod na magbibigay sa iba. So, ayun lang. Nagkakaintindihan ba tayo?" sabi sa amin ng guest speaker namin at lahat naman kami ay tumango at sinabing gets namin ang activity kaya maya-maya ay nagsimula na rin kami.
May isa kaming kaklase na lalake na binigyan niya ng kandila yung matagal niya nang ka-MU. Kaya eto kami kinikilig yung iba naman bitter sinasabi na wala raw forever, na hindi raw sasagutin ni girl yung boy. Natatawa na lang talaga kami. Meron naman yung iba nagsorry kasi binubully nila yung isa naming kaklase, atleast diba nagkausap na rin sila, sana lang talaga tumigil na rin sila sa pangbubully dahil hindi iyon healthy.
Nagulat ako nang ibigay ng isa naming kaklase kay Harry yung kandila. Nahihiya pa yung babae naming kaklase kasi yung iba talaga sa amin ay nagulat dahil hindi namin inaasahan 'yon. I think Kimi is her name. 'Di ko kasi siya masyadong nakikita sa room, lagi yata siyang absent.
"Ahmm.. Gusto ko lang sabihin na sorry kung hindi na kita napapansin. Sorry kung hindi na tayo gaya ng dati na kasama yung iba pa nating tropa. Feeling ko habang nag-grow kasi tayo meron at meron talagang bagong dadating sa buhay natin na makakasama natin sa mga araw o taon na magdadaan. Hindi natin namamalayan, napapatanong na lang tayo sa sarili natin na, "ayy teka yung ibang tropa ko kaya kumusta na?", "kung ano man yung dumating na problema nila sana maayos nila.", "may bago kaya silang nakakasama ngayon?", "naaalala pa kaya nila ako?" Maraming tanong ang bumabagabag sa atin katulad ko pero nakikita at nararamdaman ko naman kung masaya ba sila o hindi. Atsaka wala naman sa akin kung yung kaibigan ko ba is may bago nang nakakasama, may bago nang nakakabonding, may bago nang nagpapasaya basta alam ko sa sarili ko na itong taong 'to naging kaibigan ko 'to, napasaya rin ako nito, pinatawa rin ako nito, at hanggang ngayon kaibigan pa rin ang turing ko sa kanya. Hindi naman kasi ibig sabihin ng friendship is lagi kayong magkasama o lagi kayong nag-uusap ang meaning ng friendship sa akin is yung natural lang yung tipong pag nakita mo o nakasalubong mo anywhere magbabatian kayo konting usap and then ayun. Gusto ko lang din mag thank you dahil nakilala kita, naging kaibigan kita, napasaya natin yung isa't isa at hinding-hindi magbabago 'yon. Ako pa rin 'to malalapitan mo sa kahit anong oras, kahit na saan. Thank you for the friendship and sorry na rin kasi 'di ako nakakaattend ng gig niyo ng kambal babawi ako next life." mahaba at natatawang sabi ni Kimi kay Harry. Si Harry naman nakikinig lang sa kanya at natatawa rin sa mga nakakatawang sinabi ni Kimi sa kanya.
"Walanjo! Napakarami mo namang sinabi pero tama ka, hindi nawala yung friendship natin naging busy lang tayo at marami rin tayong nakilalang bagong kaibigan pero mananatili at mananatili pa rin. Pero sana naman, baka naman, umattend ka ng gig namin kahit mga events sa school lagi kang wala, ano ka na? Okay ka pa ba? Sorry and thank you rin ingat ka palagi." natatawang sabi naman ni Harry kay Kimi sabay lumapit siya kay Kimi para yakapin ito. Nagyakapan silang dalawa at ginulo pa ni Harry yung buhok ni Kimi.
Nakakaoverwhelmed silang panoorin. I badly, really, want this friendship yung kahit na hindi na nag-uusap pero pag nagkita kayo para kayong bumalik sa pinakasimula. Nakangiti lang ako habang pinapanood sila kanina. Napakasincere at full of emotions talaga yung mga sinabi nila sa isa't isa.
May mga kaklase pa kaming nagsabihan ng sorry at thank you. Natatawa na lang ako nung kinakantyawan si Joshua na ibigay raw sa akin yung kandila, parang mga tanga. Close kasi talaga kami ni Joshua gawa ng magkaklase kami ng 3 yrs in high school 2nd yr ko lang siya hindi naging kaklase 1st, 3rd, and 4th yr magkaklase kami. Seatmate ko rin si Joshua ngayon. My relationship to Joshua is a true friend talaga. Mukha kaming aso't pusa kapag gawaan ng activity lalo na pag maglalagay ng design sa work dahil ginagaya ni Joshua yung design ko. Nagchachat din kami nagtatanungan kung anong assignment. Nasabi ko rin one time sa kanya na crush nga siya ni Claire ayun wala man lang sinabi tinawanan lang ako. Joshua is a really good friend of mine sana hanggang next life.
END OF FLASHBACK ⏹️
Natatawa na lang talaga ako pag naaalala 'yon. Malapit na akong matapos sa paglilinis ng kwarto ko nagm-mop na lang ako and then maliligo na para makapagstart na akong magsagot ng quizes and activities.
May quiz kami sa Science and 1-10 items lang naman magtatanong sana ako kung anong coverage nung quiz pero walang online kaya sinagutan ko na lang. About sa DNA yung quiz namin and so far 8/10 ang score ko, not bad but i'll try my best para makakuha ng perfect score sa susunod. Next naman na ginawa ko is yung activity sa Computer about basic HTML lang naman kaya mabilis akong nakatapos.
Nagpop-up yung chat heads sa phone ko tanda na may nagchat. Pagtingin ko, GC pala ng section namin. Nagtatanungan sila about sa activity. Tinignan ko naman kung sino pa yung online, napangiti na lang ako nang makita ko yung small green circle sa tabi ng pangalan ni Harry.
"Oops! Online si Harry. I-chat ko ba?" tanong ko sa sarili ko. Nag-isip na ako ng sasabihin kay Harry. Kinakabahan ako habang nagt-type dahil baka kasi i-seen lang ako o kaya naman i-inbox zone. Baka ignore lang matanggap ko kapag nagkataon pero chat lang naman 'to wala naman sigurong mawawala diba.
Harry Elton Denorilla
🟢 Active NowHarry, nasagutan mo na yung quiz sa Science?
Seen
Chat ko sa kanya. Wala pang 1 min na seen niya na yung chat ko pero 'di pa siya nagrereply. Awts gege! Sabi na eh isseen lang ako nito. Drinop down ko muna yung chat heads at inopen ko yung Facebook app ko at nagscroll. Minutes later nagulat ako nang magpop-up yung chat heads at profile pic ni Harry yung lumabas. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon para akong aatakihin. Napatili na ako ng wala sa oras kasi 'di ko na kinaya. Inopen ko yung chat heads at binasa yung reply niya.
Harry Elton Denorilla
🟢 Active NowHarry, nasagutan mo na yung quiz sa Science?
Ah, oo HAHAHA 8 nga lang ako eh may 2 pang mali putek!
Gagsti same 8 din ako pero mataas-taas naman na 'yon hayaan mo na bawi na lang next life HAHAHAHAHAHA
Harry Elton reacted with 😆 to your chat
Seen
Reply ko naman sa kanya at 'di na ako nag-expect pa ng reply mula sa kanya. Nag HAHA react na lang siya ro'n sa reply ko and there it goes, our short conversation yet super meaningful for me. Nakangiti lang ako habang natingin sa phone ko or let just say nakatingin sa conversation namin ni Harry.
(。♡‿♡。)¥ ¥ ¥
Song recommendation for this chapter 📣🎶
DO or NOT by PENTAGON
I really love this song. Na-lss talaga ako rito nang first time kong marinig 'to. Hello there, Universe! Thank you~ Enjoy reading, mga lodi!
BINABASA MO ANG
Kaklase (Short Story)
Short StoryA typical high school teen-ager girl who admire one of her classmate secretly. This is not just a romance short story. This work is not your typical love story that you encounter everyday but it also includes life with friends, classmates, and fami...