Part #34 See you Again

6 0 0
                                    


Lance's POV

Ilang buwan na ang nakalipas mula nung huli namin pag uusap ni louise wala pa din siyang paramdam. Ilang missed call na din at text, siguro nga hindi ako yung lalaking para sa kanya.

Nasa higaan lang ako habang tulala nakatitig sa kisame at umiiyak paulit ulit iniisip kung paano pa kami magiging okay , paano pa kami babalik sa dati. Kaso wala akong maisip na paraan siguro nga kailangan niya lang ng time.




5years after...



"Ohh, bunso.. bakit ngayon ka lang ? Diba birthday ni mama ngayon ? ". Tanong ko kay athena

"Kasi kuya, naglakad lang ako pauwi, kasiii may pinagawang project si Maam eh , asap daw." Nalulungkot niyang sabi.

"Kawawa naman ang bunso ko. Sana nagpasundo ka nalang kay kuya ". Ngumiti siya sakin at niyakap ako ng mahigpit.

May sarili na kaming bahay, nag trabaho ako at nagsumikap sa pag aaral pinagsabay ko na ito para naman mas maging maginhawa ang buhay namin pinaghirapan at pinag-ipunan ko ang munting tahanan at bukas ang apply ko sa magiging permanente kong trabaho. Sa ngayon ay pinag aaral ko si athena at ang aking ina naman ay hindi na muling nag asawa pa.

Sa totoo lang naging matured na yata talaga ako dahil wala na akong ibang iniisip kung hindi ang pamilya na meron ako at ang mapag tapos si athena eto na yata ang simula ng lahat. Pero kamusta na kaya yung mga dati kong kaibigan sobrang tagal na kasi naming hindi nagkikita. Kahit reunion wala sa loob ng 5 years. Mula ng maghiwalay kami ni Louise ay hindi na akoo nag ka girlfriend pa pero may girl besfriend ako si Karra .

Mabait siya sobra nakilala ko siya noong college kami siya yung babaeng nagpahiram ng ballpen sakin nung first day of school ko. Simula nun lagi na niya ako dinadaldal. Sobrang matalak siya minsan naririndi na ako sa kaingayan niya pero mas maigi pala yun para hindi ako malungkot. Masaya siyang kasama madaming alam sa mundo. Matalino din siya maganda at may pangarap.

Sabay kaming nakapag tapos ng pag aaral at ngayon ay araw ng pag aapply namin sa Maynila. Sa Khun Progress Corporation pinaka-malaking building dito sa maynila na nakita ko. Naalala ko tuloy si louise dahil khun ang apelyido niya pero ang balita ko noon ay umalis na siya ng bansa kaya malabo na magkita pa kami kasi malabo din naman na mag apply ako sa ibang bansa.

Nagpatuloy kami ni Karra sa loob ng kumpanya .

"Miss, san po pwede mag apply ? " Tanong niya.

"Please take a seat ". Habang tinuturo ng babaeng nag aassist ang mahabang upuan sa likuran namin.

"Tara, Lance bili muna tayo pag kain nagugutom na ako. " Talaga itong si karra hindi pa kumain ng madami bago umalis . Sinamaan ko siya ng tingin habang siya ay nakangisi sa akin na parang bata.

"Sige na nga pero saglit lang ahh ? ". Tuwang tuwa naman siya .

Pagbalik namin ay siya namang pagdating ng isang babae.

"Maam/Sir mag aapply po kayo ? This way nalang po. " Nauna na si Karra dahil gustong gusto na niya magka trabaho.

pag labas niya ay laking tuwa sa kanyang mga mata at ako naman ang susunod. Ng matapos interview-hin ay malungkot ang mukha ko ng lumabas sa office bumungad anv mukha ni karra na parang nag aalala sa akin.

"Bes, anong nangyare ? Bakit malungkot ka ?? Reject ka ba ?." Hindi talaga bagay sa kanya yung ganito ang plastik eh. HAHA

"Bes, ......... Natanggap akooooo ". Pagsigaw ko at agad namn kaming napatalon sa tuwa at nagkayakapan. Ng mapansin namin na ang awkward na ay bumitaw na kami sa isa't isa tapos lahat ng tao sa paligid namin ay nakatitig.

Pag uwi namin ay nagcelebrate kami ng kaunti. Ibinalita ko na din kila nanay ang pagkatanggap namin ni Karra sa bagong trabaho.

"Yeheyy , kuya bibilan mo ko ng chocolate at bagong mga damit ahh ". Ngiting ngiti na sabi ni athena.

"Oo naman ikaw pa ba ? Lakas ka sakin eh. ". Naghain na din ako, sa bahay na din kumain si Karra

Kinabukasan papasok sa trabaho~






Hinahanap ko yung phone ko dahil kailangan ko mag update kay mama maalalahanin kasi siya.

"Karra nakita mo ba yung phone ko ? " Tumingin siya at may pag kunot ng noo.

"Huh? Baka naiwan mo sa inyo . " Sagot niya.

"Hindi pwede kailangan ko i-update si mama " pagtuon pa ng tingin ko sa loob ng aking bag habang hinahalungkat ito.

"Eto ba yun ? " Napaangat ang aking tingin kay Karra at hawak ang cellphone ko.

"Bwiset ka talaga akin na nga yan! " Paepal talaga tong babae na to eh hindi ko talaga alam paano ko naging best friend to' nag pahiram lang naman siya ng ballpen noon. Nakasimangot akong nakatitig sa kanya inis na inis sa kalokohan niya.

Naglakad na kami papasok at sumakay ng elevator sa sobrang taas nito ay nangangawit na ang mga binti ko. Kanina pa ako nag papaikot ikot dito. Nagkaroon ng range habang habang dahan dahan tumitigil ang elevator na sinasakyan namin napakapit kami ni Karra sa isa't isa.

Pagbukas ng elevator napatingin kami sa babaeng bumungad sa amin si si..

"L- Louise ? ". Ang ganda niya pa din hindi nagbago ang kanyang itsura

Ngumiti lang siya at napabitiw kami ni Karra sa isa't isa. Sinundan ko si Louise at napakapit sa kanang braso niya. Tumingin siya ng bahagya at sinabing .

"Get off my clothes , just follow me to my office ". Ang sungit naman nito nagbago siya. Nag matured pero sa palagay ko hindi pa din siya nakakalimot sa nangyare. Binitawan ko siya at hinayaan mag lakad.

"Hoy, kilala mo ? Sino yun ? ". Pagtataka ni karra.

"Ahh si ... Siiii " napakunot ang noo niya.

"Sino nga ? ". Pilit na tanong niya.

"Basta mamaya ko nalang kukwento sayo pag uwi. ". Napatigil siya at pumasok na kami sa office ni Louise.



Author's Note:

Hiiiiiii Good dayyyyy everyone. Thank you for continuing adding my stories to your library.

Hopefully naeenjoy niyo po yung ginagawa kong stories. Mwahhh
By next week i will publish another story which is Entitled The Promise. pleaseeee support niyo din po thank you ❤️

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 24, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Inlove With The GangsterWhere stories live. Discover now