part #10 remember

35 3 0
                                    

...continuation

At pinagsasasampal ko pa siya .. Puro kalmot na siya sa mga braso at namumula na ang kanyang mukha ..

Sasapukin ko na siya pwersado na ang kamao ko at punong puno na ng galit ang isip ko ..

Pero bigla akong parang nagising sa eksenang yun at parang ayoko ng ituloy nanginginig na ang mga kamao ko kulang nalang ay gawin ko na

Pero naalintana ako bigla sa lumuluha niyang mga mata at mukha niyang puro kalmot ko at dumugo na din ang kanyang labi mamula mula pa ang kanyang mukha .

At habang nakatitig ako sa kanya ang kanyang mga kamay naman ay unti-unti ng bumababa at para siyang nanghihina at dahil hindi ko tinuloy na sapakin siya at tuluyan na siya .

Tumayo ako mula sa pagkakapatong ko sa kanya

"Hindi pa tayo tapos.tandaan mo yan, isa pa sa mga grupo ko ang galawin niyo di lang yan ang aabutin mo!"

Tumahimik ang mga taong nakapaligid sa amin at habang umaalis ako dumaretsyo naman ako ng school .

kaya lang hapon na ng makarating ako doon . dapat nga haharangin ako ng gwardya ng school

Ng makita niya ang mukha kong puro kalmot at namumula na ay agad niya akong inalalayan

Nga naman ako nga pala ang may ari ng school na to! Pero actually ipapamana palang

"Ma'am bakit ganyan po ang itsura niyo ?napano kayo? Gudto niyo po ng tubig ? Dadalhin po kita sa clinic ng ating eskwelahan?"

"Hindi na don't worry im still fine "

Nagdaredaretsyo ako sa loob ng school medyo hindi pa din nawawala sa isip ko ang mga nangyari ei ko talaga akalain na si GXYD ang makakalaban ko

Isa rin kasi siya sa pinaka matalik kong kaibigan kaya lang nagbago siya

Gusto kong humingi ng tawad sa kanya

Habang nagiisip ako biglang may sumanggi sa puro kalmot kong braso yun pala ay isang lalaking hmp! Ang sakit sakit na nga ng mga kalmot ko dadagdagan niya pa

"Sorry!"

Tinignan ko siya na parang sakanya ko gusto ibuhos lahat ng galit ko at sakit ng katawan ko

Tumingin ako sa mga mata niya ng diretsyo at natulala siya bigla

Kaya naman nagdaredaretsyo nalang ako sa paglalakad

Dumaan ako sa tapat niya pero tulala pa rin siya baka mahanginan tong lalaking to! At tumulala nalang

Naglakad ako papuntang room agad naman akong sinalubong nila jaymee,maris at hannah

"Oh! Bakit ka naman kasi sumugod dun ? Kailangan mo ba talagang ipahamak ang salimo? Loka loka ka talagang babae ka "

Sabi ni jaymee habang hawak niya ang mga kamay ko yung mukha niyang parang awang-awa siya sa akin

"Ano ba kasing pinagsasasabi mo jan? Ok lang ako no! Wala to! Natalo ko nga sila eh lahat sila hahaha"

Tumawa nalang ako para hindi halatang sobrang sakit na talaga ng katawan ko

Pero yung totoo aray ko! Jusko naman napakasakit talaga piling ko nga di ako makakapasok bukas

Dinagdagan pa nung lalaking nakabangga ko oh diba dang saya talaga ! Grrrr! Kainis naman

Hindi ko na pinansin kung aino yung pumasok galing sa pinto dahil sa sobrang sakit ng katawan ko

Habang nagkaklase sa isang banda nahagip ng mga mata ko ang isang lalaki na parang nakatingin sakin

Pero hindi ko nalng pinansin dahil nakikinig ako sa prof. Namin mabait kasi ako hahaha

Uwian nanaman buti naman makakapapahinga na ako pero pakiramdam ko habang naglalakad ako may sumusunod talaga sa akin e.

I feel it sino kaya yun pero imposible naman maraming estudyante dito

Pero sinubukan ko pa din na tumingin may nakita akong isang lalaking nakatingin ng daretsyo sa aking mga mata

Siya yung lalaking bumangga sa akin kanina bakit kaya niya ako sinusundan?

Pero yung mukha niya ay parang binagsakan ng langit at lupa nakasimangot kasi siya pero ng maramdaman niyang nakatinvun siya sa akin ay bigla siyang ngumiti

Ang awkward nga ng ginawa niya eh. Nakakaewan pero maitsura naman siya para siyanv walang kamalay malay sa nangyayari sa paligid niya.

Sumakay nalang ako ng kotse ko

"Jusko! Anak ano bang nangyari sayo?" Sabi ni yaya betina

"Wala ho ito dont worry ya! Im ok "

"Naku naman lagot ako sa mommy mi nento"

"Ako na ang bahala sa kanya"

Kitang kita ko kay yaya betina ang takot dahil sa pag aalala sa akin mula kasi pagkabata siya na ang nag alaga sa akin

Dumaretsyo ako ng kwarto ko habang wala pa sila mommy at daddy si daddy kasi Gabi pa ang uwi niya si mommy naman ganun din

Busy sila kaya wala silang time para sa'kin yun din ang isa sa dahilan kung bakit sumali ako sa
Grupo ng fraternity

Nagstart ako nung elementary pa ako laking gangster nga ako eh kaya lang bigla akong nagbago ng maghigh school ako kasi iba na ang grupong nasalihan ko

Nga pala kamusta na pala si zyron sayang naman tagal ko na din siyang di nakikita si zyron ang bestfriend ko

Nakilala ko siya sa bahay ampunan noong bata pa kami pamilya ko kasi ang may ari ng orphanage na yun 

Matagal ko na din siyang hindi nakikita hindi kasi kami nagkasundo noon . dahil nagbago na daw ako

Si zyron ang itinuturing ko na pinaka-matalik kong kaibigan siya lang kasi ang nasasabihan ko kapag may problema ako at ganun din siya .

Subukan ko kaya na makipag-ayos at pumunta sa bahay niya kagaya ng dati .

Actually kasalanan ko kung bakit kami naging magkagalit pero sana mapatawad niya na ako .

Kasi kahit na anong mangyari siya pa din ang bestfriend ko .

***
Author:
Hi readers musta ? Sorry ngayon lang ulit ako nakapagpublish . sobrang busy kasi ei.

Inlove With The GangsterWhere stories live. Discover now