part #09louise is real

40 3 0
                                    

Louise's POV

*at school*

Eto nanaman nakakatamad na! Second day palang ng pasukan .

Habangnaglalakad ako sa loob ng school na to! Dalawa ang kasabay ko ang mga guard ko .

Pagpasok ko nasa labas lang sila at hihintayin matapos ang buong klase araw araw nilang ginagawa yun .oh! Diba ang korni masyadong over acting naman di naman ako mawawala eh! Kung tumakas kaya ako sa kanila para naman kahit minsan maramdaman kong malaya ako

Mamayang recess humanda kayong dalawang tagabantay ko haha ..

*recess time*

Tumunog na ! Ibig sabihin recess na pagsulyap ko ng pintuan ng room wala ang mga guard ko yes! Buti nalang at dali-dali akong tumakbo at nagtago humalo ako sa maraming estudyante at hinanap ang iba ko pang barkada maliban kila maris,hannah,at jaymee .. Sa ibang rooms kasi ang barkada nakita ko sila nagkukumpol kumpol sa isang lugar pagdatinv ko

"Anong merong dito?" Na may pagtataka

"May nakalaban kasi akong grupo L25 master" L25 master ang code ng pangalan ko sa grupo namin may mga code ang bawat isa at si M16 siya si Micah ang nagsumbong sa barkada

"Anong grupo sila?" Galit kong tanong sa kaniya alam ni M16 na di ako tumitigil hanggat hindi nakakaganti ang barkada sa grupong nakalaban niya
Nakita ko ang tinatago niyang braso may mga pasa ito

"Anong nangyari sa braso mo? Umikot ka. " tanong ko pa at tiningnan ko ang bawat parte ng katawan niya at puro pasa at sugat na sariwa pa .. Meron sa bandang likod tatlo , sa bandang hita at binti naman dalawa at isa sa braso

"L25 master wag na po ok lang ako " kinakabahan niyang sagot at nangingilid na ang kanyang mga luha .

Hinawakan ko siya sa bandang ulo para isubsob ang mukha niya sa akin at yakapin siya . pero nagulat ako ng ..

"A... Aaa.. Aray ko ."

"Oh bakit?"

"Nasa gitna ako ng daanan at madilim na nun may isang ilaw ng poste na nadaanan ko .paglagpas ko doon ay may nakita naman akong punong malaki at habang naglalakad ako medyo malayo layo na ako ng mga sampung hakbang may sumitsit sa akin at paglingon ko bigla nalang may humampas sa ulo ko"

kinuwento niya pa na habang namumutla at nanginginig kitang kita ko sa mga mata niya ang takot at kaba . ngingilid na rin ang kanyang mga luha naawa ako sa kanya gagantihan ko talaga lahat ng gumalaw sa kanya

"L25 wag mo na silang gantihan wala ito . ok lang ako " pagmamakaawa niya habang tumutulo na ang kanyang mga luha . sapalagay ko nga alam niya kung ano ang kaya kong gawin kaya niya ako pinipigilan .

Hinawakan niya ang aking mga kamay at braso at patuloy sa pagmamakaawa .

Bigla akong pumiglas sa pagmamakaawa niya at umalis binilisan ko pa ang lakad ko para hindi niya na ako mapigilan pa

Total kilala ko ang kalaban ng grupo namin kaya naman agad akong nagpunta sa tambayan ng mga iyon isa din sila sa pinaka- sikat na grupo dito sa school fraternity din sila kagaya ko pero mas sikat ang grupo ko kaya naman di ako papayag na may kakalaban ni isa sa aming lahat .

Ng magpunta ako sa kanilang tambayan isa siyang malaking bahay na pwedeng pumasok kahit sino dahil sa underground nito may isang malaking bar na kung saan tinatambayan nila umupo ako sa isang gilid

At umorder ng isang baso ng wine medyo madilim dito sa loob at hindi masyadong kita ang mga tao . pero may napansin ako

Sa isang banda may isang kumpol na grupo at nag-uusap usap sila . at may inabot ang isang lalaki sa babae sa tingin ko un ay ang goodvibes ..

Ang goodvibes ay isang drugs itinatago lang nila sa salitang yun para hindi masyadong halata .

Lumipat ako ng upuan at nagpunta sa medyo malapit sa kumpol na grupo at sa isang banda may nakita akong nakatingin sa akin .

Umilag ako ng tingin dahil alam kong isa siya sa tauhan ng grupo na kalaban namin at nung papalapit na siya hinanda ko na ang sarili ko

Lumapit siya at sinabing
"Sino ka? Bago ka lang dito ?

Hindi ako tumingin sa kanya pero tumango ako

Hinawakan niya ang kwelyo ng damit ko at itinayo ,bigla ko naman tinapik ng malakas ang kanyang braso at inikot ito hanggang sa mapalipit ito

ng sisipain niya na ako umilalim ako at tinabig ang kayang binti at natumba naman siya nangmangyari iyon ay gulat na gulat ang mama. Dahil sa laki ng kanyang mga braso at balikat ,sa kanyang tangkad ay hindi siya kakayanin ng isang estudyante

Pinaligiran naman ako ng grupo nila . ang fraternity na kalaban ng grupo namin isa isa silang lumapit pero hindi nila ako nakaya

Sa isip - isip ko bakit hindi manlang nila ako nagalusan kahit isa kahit dugo walang tumutulo .

Bawat isa sa kanila ay may bali
Binalian ko kasi sila yung iba sa tuhod at yung iba naman ay sa bandang braso

Hindi ko sila pinatay kagaya ng ginagawa ng grupo nila sa iba tumabi lahat ng tao at may isang naglakas loob na kalabanin pa ako at ito ay ang pinuno nila si GXYD iba naman ang code ng pangalan nila .

kaya ko nalaman dahil dati isa ako sa kasapi sa grupo nila kilala nila ako at kilala ko din bawat isa sa kanila pero may mga bago din na sumanib sa grupo nila .

Si GXYD mabait naman siya kapag nakilala mo ng husto pero kapag kalaban ng grupo niya sumusugod na siya humiwalay lang naman ako sa grupo nila dahil hindi sila nadadala sa pagpatay wala silang sinasanto kahit walang malay pinapapapatay niya

Namatayan na nga ako ng kaibigan dahil sa kanila pero itinatanggi nila aksidente lang daw ang nangyari sa kaibigan ko

"Anong ginagawa mo dito?" Mahinahon na tanong niya

"Bakit mo ginalaw ang isa sa grupo ko ? " pabalik ko namang tanong sa kanya galit na galit ako at namumula na

"LYJX bakit may halaga ba sila para sayo ? Dadating ang tamang panahon at makakalimutan ka nila . ikaw nalang ba lagi ang magtatanggol sa kanila kapag nasasaktan sila? Ikaw ba kelan ka nila ipinagtanggol?"
Sunod sunod niyang tanong

At ako naman ay napapaisip na tama naman lahat ng sinasabi niya pero ako parin ang master ng grupo kaya hindi ako magpapadaig

"Wag mong ibahin ang usapan "
Sagot ko sa kanya

Agad ko siyang nilapitan at hinablot ang kanyang buhok isa din siyang babae na kasing tangkad ko at kinaladkad ko siya hila-hila ko siya hanggang sa labas ng bahay na iyon

kinalmot niya naman ako bilang ganti galit na galit ako sa kanya sinakal ko siya habang nakahiga siya sa sahig at nakapatong ako




Inlove With The GangsterWhere stories live. Discover now