Habang kumakain kami titig na titig naman ako lance at kay hannah. Na nasa tabi ko ngayon sinusubuan kasi ni hannah si lance .
Si lance naman gustong - gusto pa-fall din eh! . hindi naman kasi sila nakaka-inggit . nakakainis .
Pero bakit nga ba ako naiinis? Pakialam ko naman sa kanilang dalawa? .
"Psst. " lumingon ako sandali dahil may narinig ako .
Lahat sila nakatitig sa akin ng hindi ko namamalayan . Naku! Nakakahiya .
"Kayo? Anong tinitingin-tingin niyo dyan? " . imbis na ipakita ko na nahihiya ako ay nagmatigas pa ako .
Tinuloy nila ang kanilang pagkain . Habang si hannah at lance ay patuloy pa din sa ka-kornihan .
Pero nakakapagtaka lang wala naman kasing nabanggit sa akin si hannah na may gusto siya kay lance . napaka-imposible naman .
Tumayo ako mula sa pagkaka-upo ko sa may hapag-kainan .
"Oh! San ka naman pupunta ? ".
Nagsalita naman si benedic .Tumingin lang ako at nagmamadaling umalis . Ang tanging nasa isip ko nalang ngayon ay nagtatampo ako kay lance pero sa sarili ko hindi ko pa din maintindihan ang sarili ko kung bakit .? .
Pumunta ako sa may upuan sa likod ng dorm .
" louise! Bakit ba? Bakit bigla ka nalang umalis ?" Sumunod pala si benedic .
"Huh!? Ano bang pakialam mo? Gusto ko lang naman na magpahangin ahh. Masama ba? . atsaka bakit ka ba sumunod pa? " . pagpapalusot ko pa sa kanya .
"Ha! A- ahh .. Wala . wala naman nagulat lang ako bigla kang umalis yung totoo bakit ba? " . aaminin ko na ba kung ano ang nasa isip ko? .
"Sige maupo ka muna . kasi naman ang gulo talaga hindi ko maintindihan ang lahat . " .
.~*~
Lance's POV"Lance! Tara inom muna tayo " . pagyaya sa akin ni james. Isa sa mga tropa ko .
"Oo nga lance tara! " sabi naman sa akin ni zyron .
"Sige! " .isa - isa kaming kumuha ng alak at sabay na uminom . iiling - iling ako dahil sobrang tapang pala ng alak na ito .
"Pre! Sa inyo nalang oh! Ang tapang ng lasa . " Nandidiri na ako sa lasa kaya naman inalok ko sa iba ang alak na hawak ko ngayon .
"Duwag ka ba pre? Ubusin mo yan . " sabi naman ni james .
Dahil ayoko magpakita ng kaduwagan ay inubos ko ang alak na nasa baso ko .
" kung talagang mahal mo si louise mag - ra- round 2 ka . " huh!? Round 2? Sige na nga .
" oh! Ayan ha. Hanggang round 2 lang pepeltukan ko kayo eh! " .
Sabay - sabay naman silang nagtawanan ."Hoi last na to! Ah. Ayoko na nahihilo na ako ." . habang nagsasalita ako napatitig sila sa isang banda .kaya naman tumingin ako .
Nakita ko si hannah na nakatayo
Dun . naka - off shoulder siya at naka-short- shorts na maikli pero bakit lumalabo ang paningin ko . ?Kinusot ko ang mga mata ko . umalis naman sila zyron sa tabi ko . lumingon ulit ako sa kinatatayuan ni hannah .
Sa unang tingin malabo pero habang tumatagal .. Si louise na ang nakikita ko . ba't ganun? . at lumalapit na siya sa akin ngayon .
"Lo-louise? Anong gin-- " .
Hindi ko na natapos ang sinasabi ko at bigla niya na akong hinalikan .Naisip ko na baka nahulog na din sa akin si louise kaya niya ito ginagawa kaya hinayaan ko nalang .
Pinilit kong idilat ang mga mata ko at sa may kaliwang bahagi ko ay may isang anino akong naaninag .
Tumingin ako sa nakatayong babae . si-si.. Lo-louise . nagulat ako kaya naman agad kong inalis ang babaeng nasa harapan ko at tinignan kung sino siya .
"Sino ka? . " nang makita ko ang mukha niya ay si hannah pala ang nasa harapan ko ngayon .
Agad namang umalis si louise .
"Ano ibig sabihin nito hannah? ."
Hinawakan niya ang magkabila kong braso ko at pinipilit na hagkan ako muli .Pero pinilit kong lumaban at ilayo siya sa akin . sumunod naman ako kay louise at naupo sa bakanteng upuan na nasa tabi niya .
Tumingin ako sa kanya pero parang naiilang na siya sa akin .
Sumunod naman si hannah na nasa harapan namin ngayon at ngingiti - ngiti .
Minabuti kong lagyan si louise ng kanin sa kanyang plato . pero hindi pa din siya kumikibo .
Tumayo naman si hannah at naupo sa aking tabi . at isinusubo sa akin ang kutsara na may lamang ulam at kanin .
Ayokong mapahiya siya kaya naman sinubo ko na . pinunasan niya pa ang ketchup na napunta sa gilid ng aking labi .
Lumingon ako kay louise pero wala na siya sa kanyang kinauupuan . tumayo naman ako para hanapin siya .
Mabuti naman at hindi na ako pinigilan ni hannah . nagpunta ako sa may dorm nila baka sakaling gusto niya na mauna sa kwarto nila para hindi siya mailang .
Pero bakit nga ba siya maiilang ? Samantalang wala naman sigurong masama if nakita niya kami ni hannah . para sa akin oo nagagalit ako kay hannah pero yung parang siya ang galit? I don't think so .
Baka naman gusto niya lang na maramdaman ko na hindi siya sang-ayon kay hannah para sa akin .
Pakiramdam ko tuloy may nagawa akong mali sa kanya .Nagpunta ako sa likod ng dorm, lalapit na sana ako kay louise kaya lang may isang lalaking tumabi sa kanya . si benedic .
At ano naman kaya ang binabalak ni benedic ? Binabalak niya kayang agawin pa si louise sa akin? Aba! May karibal na pala ako .
Hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nila dahil medyo malayo sila sa akin .
Mukhang seryoso sila sa pinag-uusapan . naku-curious ako ! Napansin ko lang sa sarili ko hindi kaya mukha akong shunga dito? Para akong ewan na pilit gustong marinig ang pinag-uusapan nila .
Ayoko naman umalis dahil baka maagaw na ng tuluyan ni benedic si louise sa akin. Eh! Kung kunyari nalang maglalakad ako sa harap nila tapos makikisali na sa pinag-uusapan nila? .
Hindi mali , kung kunyari may hinahanap ako . para mapansin nila ako tapos makikisali na ako sa usapan nila ! .
Ang gulo naman .
***
Author:/>-hola . sorry late na po hihi
Comment po kayo .. Salamat