It's been a long day without you, my friend
And I'll tell you all about it when I see you again
We've come a long way from where we began
Oh, I'll tell you all about it when I see you again
When I see you again
One afternoon sa Eternal Gardens. Medyo makulimlim ang kalangitan. Ramdam ang pag ihip ng hangin. Walang masyadong tao sa paligid na hitik ng mga luntiang damo na may mga makikinang na lapida. Sa gitna ng malawak na lupain ay may maliit na puno na malapit sa isang puntod. Naglakad si Deanna papunta dito at nilagay ang dalang pumpon ng dilaw na rosas. Nagsindi ito ng kandila at taimtim na nanalangin.
Matapos magdasal ay umupo ito sa gilid ng puntod. Tumingin ito sa lapida at nagsalita, "I have always admired your love and sacrifice, Jia. I will never forget what you did for us to live. I owe you my life, our lives and I am forever grateful."
Saglit na natigilan si Deanna. Muli na naman niyang naalala ang mga huling sadali nila ni Jia bago ito bumitaw ng mahulog sila sa bangin. Tila parang kahapon lang ito nangyari on Deanna's vivid memory.
Flashback
Bumigay pala ang isang tali sa tent na nakaconnect sa isang pang tali na para sa barandilya sa construction site ng pinapagawang bahay nina Deanna at Jema. Dahil dito ay bumigay ang bahagi ng kinakatayuan nina Jema at Jia na kasalukuyang nag-uusap. Rinig ang mga sigawan ng mga bisita na lumabas ng tent ng makatikang nakalambitin sina Jia at Jema sa bangin.
Deanna run as fast as she can the moment she saw them. Nakita nya ang isang kamay ni Jia na nakakapit sa steel flatform habang yung isang kamay nito ay hawak ang kamay ni Jema. Right then and there she knew, she needed to do something quick or she'll lose the love of her life.
"We need ropes!" Deanna shouted. May iilang mga tao na kumilos pero nagfocus si Deanna sa dalawang nasa panganib.
"Jema, kumapit kang mabuti..." Sigaw ni Jia kay Jema. Kumapit naman ito. Nagtama din ang mata ni Deanna at Jema, ramdam ni Jema ang matinding pag-aalala sa mga mata ng kasintahan.
"Deanns, abutin mo yung kamay ni Jema. Unahin mo na siyang maangat." Utos ni Jia kay Deanna.
Nakahiga na si Deanna sa flatfrom at pinipilit na iaabot ang kamay nya kay Jema. Trinatry nito na abutin ngunit kitang hirap siya.
Umiingay na uli ang steel bar at mukang tuluyan na itong bibigay.
"Deanns, konti pa, hihilain ko siya, ikaw na bahala okay? Yung pangako mo..." Jia said.
Deanna nodded and Jia took it as a sign to use all of her strength to pull Jema up so Deanna can grab her hands. Tension was really building high. But the attempt was successful. Deanna now holds Jema's hand.
Kitang hirap na si Jia and she may not be able to sustain it anymore. "Bitaw na Jema, si Deanna na bahala sayo." Jia said saktong biglang paggalaw ng flatform at tuluyan na itong tumabingi. Buti at nahawakan ni Bea ang legs ni Deanna kaya hindi ito tuluyang dumalas.
YOU ARE READING
Closer
FanfictionSo Close Sequel; A Jema Galanza and Deanna Wong fanfic: After their whirlwind romance and separation, will they finally hold each other tightly and be stronger in facing their challenges together?