V

698 33 3
                                    


Dinner sa bahay ng soon-to-be Mr. and Mrs. Ravena. Ilang araw na lang bago ang nakatakdang araw ng kanilang kasal. 

Masaya ang mga magkakaibigan na nagsasalo-salo ng mga paborito nilang pagkain.

"Cheers to Aly and Kiefer!" sabi ni MG habang tinataas ang kanyang wine glass.

"Cheers!" sabay sagot naman ng mga dumalo bago sila uminom.

"Naku, sobrang excited na ako..." masayang commento ni Ponggay.

"Naku, di lang nagsasalita itong misis ko pero alam ko deep inside gustong gusto na niyang masakal ako!" pabirong sabi ni Kiefer.

Pinalo naman ni Aly si Kiefer sa braso, "Anong masakal ka dyan?! Kunwari ka pa, eh ikaw nga tong atat eh!"

Nagtawanan naman ang mga kaibigan nila.

"Oh Deanna, since may team ka na naman at for sure nahasa mo na sila Jaycel na magcover ng wedding eh baka naman more time for you to spend our wedding. Baka kasi masyado kang focus sa trabaho eh..." sita ni Aly.

Napangiti lang si Deanna.

"Ay naku ate Ly, lagi ko nga yang pinapaalalahanan yan eh. Sabi ko nga sakaya na kayang kaya na ng team yun. Basta ako bahala sa awra mo that day ahh!" Ponggay commented.

Inakbayan naman ni Keifer si Deanna, "I'm sure Deanna naman will be able to manage. Tsaka she promised na sa mismong wedding rites sa church lang siya magshoshoot. Sa reception, need niya talagang magparticipate."

"Oo na kuya Kief! Di ko naman nakakalimutan yan." Deanna laughed.

"Maiba ako, eh diba si Jema nasa Thailand?" MG asked.

"Yes, pero nakabook na ang flight nya pauwi. Aba, di pwedeng wala ang wedding singer ko." sagot ni Ly.

"Buti na lang... Bilib din ako dun eh, kahit na laging busy ang sched at kasikat eh di naman niya tayo kinakalimutan." dugtong ni Kiefer.

"Speaking of, ito na siya, nagrerequest ng video call!" excited na saan ni Kyla habang pinapakita ang phone.

Tumayo ang lahat at tumabi kina Aly at Kiefer habang nakaon na ang video.

Naghello si Jema sa mga kaibigan. NagHi din naman ang mga ito sakanya. Finocus ni Kyla ang camera kina Ly at Kiefer.

"Kamusta ka diyan Jema?" tanong ni Kiefer.

"Having a good time huh?" Ly continued.

"Ay oo, this is such a great experience kahit na mag isa ako. Sana next time kasama ko na kayong magtravel." sagot ni Jema.

"Oh bakit hindi?! Basta ba libre mo?!" Kyla laughed.

"Oh kelan ba ang flight mo?" tanong naman ni MG.

"Sa 27 ng gabi andyan na ako... Don't worry hindi ako mawawala bigla." Jema said while some medyo napalingon kay Deanna na nasa likod ni Kiefer.

"Oh basta yung bilin ko sayo Jema ahh, gagawin pa kitang Dyosa sa araw ng kasal nila ate Ly!" masayang sabi ni Ponggay to prevent an awkward silence.

"Ay oo naman... Nabili ko na din yung pinapabili mo... At lahat kayo may pasalubong sa akin!" Jema announced.

"Lahat kami aaahhhh..." MG commented while laughing.

"Oo naman!" sabay taas ng kilay ni Jema.

Nagtawanan na lang silang lahat.



Patuloy na nagkamustahan ang mga magkakaibigan. 


CloserWhere stories live. Discover now