After ng last na klase namin naghiwahiwalay na kami, syempre para umuwi. Bago ako umuwi sa bahay dumiretso muna ako sa teacher's office para ihatid yung gamit na naiwan ni Ms. Mel dahil may emergency meeting ang mga teachers kanina. Bukod kasi sa scholar ako eh teachers assistant ako ni Ms. Mel.
Papasok na ko ng pinto ng bigla itong bumukas ng malakas at tumama sa ilong ko!
"Lintek naman na animal" asik ko
Pagharap ko sa nagbukas ei likod na lang ng matangkad na lalaking palayo sa kinaroroon ko ang nakita ko"Sorry ha SORRY!" sigaw kong pabalang bwiset nato di ma lang humingi ng paumanhin, napaka rude!! Pinulot ko na lang yung mga papeless na nagkalat sa sahig at pumasok sa loob
Naabutan ko si Ms. Mel sa desk nya habang hinilihot ang sintido, nang makita nya ko ngumiti sya pero mabilis ring naglaho
"Thank you Yanis" Ms. Mel
"Welcome po, mauna na po ako" Sabi ko
"Okay, but wait bakit parang namamaga yang ilong mo?" Tanong nya
"Ah-eh wala po ito baka sisiponin lang po ako, sige po mauna na po ako" Sabi ko ng nakangiti kahit nananakit na ang ilong ko. Ngumiti na lang sya ng nagaalinlangan kaya lumabas na ako.
Dumiretso na ko sa bahay para malagyan ko na ng yelo itong ilong ko.
Pagdating ko sa bahay naabutan ko si kuya, na bihis na bihis
"Oh? Bat ka nakasimangot?" Tumingin sya sa ilong ko "Anong nangyare sa ilong mo?" Tanong nya
Dumiretso na ko sa kusina para kumuha ng yelo.
"Bwiset na lalaking yun di man lang humingi ng sorry" Sabi ko kay kuya na nasa tabi na kong nagtataka "Tumama kasi itong ilong ko sa pinto nung biglang may nagbukas non na malakas"
"Ah kaya pala sige lagyan mo lang ng yelo para mawala yang pamamaga, sya nga pala baka mamayang madaling araw na ko makauwi ha" Kuya
Gulat akong napatingin sa kanya " Ha?Bakit? Edi magisa lang ako dito!?" Hindi naman sa takot ako sa multo or something pero kasi diba? Babae ako magisa lang mamaya may manloob pa dito noe wala akong laban
"Uuwi na lang ako bago mag madaling araw, may raket kami eh sayang din yun pangbudget at bayad sa utang, maglock ka na lang ng mabuti dadalhin ko na lang yung susi" paliwanag nya "Sige na alis na ko bye" tumalikod na
"Kuya inggat" habol ko
Haysst ngayon lang yun ah, sige na nga sayang din naman.
Kaming dalawa na lang kasi ni kuya Ryan Ang magkasama sa buhay, ang parents namin ayon ewan di joke si papa patay na dahil sa cancer na wala naman kaming mapampagamot, si mama naman di ko alam, lumaki kasi akong walang kalinga ng Ina sa tabi ko nakikita ko sya pero once or twice a month lang noong buhay pa si papa, pero mula nong namatay si papa di na sya nagparamdam ulit huling balita namin may iba na daw pamilya.
Maaga akong nagdinner dahil may tira pa namang pagkain, nagsaing na lang ako para kay kuya baka mapanis yung kanin pag uwi ni kuya dahil kaninang tanghali pa yun. Sinigurado kong nakalock ang pinto pati na rin ang mga binta bago ako umakyat sa kwarto ko.
Pagtingin ko sa phone ko nagiingay nanaman sa gc yung mga Gaga.
-YAJI girls- yup Yan Yung name ng GC short for Yanis, Alyana, Jenica at Ivy
"[Hey guys I have a news oh my ghaad" Ame
"[What news nanaman ba yun Ame?]" Jen
"[Ow tomorrow na lang pala, baka maexcite kayo much]" Ame
"[About boys nanaman yan, tama ba? Ame]" Anya
"[A bit]" Ame
Boys, lagi na lang naku. Nagtingin ako kung may tawag manlang ba si kuya or text pero wala ni chat wala naku. Natulog na lang ako
Pagkagising ko kinabukasan , naabutan ko si kuya sa kusina
"Hmm ang bango ah" bungad ko
"Morning, kain ka na kapatid" Kuya
"Aba't good mood ang kuya ko ah, anong balita sa raket mo?" Tanong ko habang nagsasandok
"Hmm sabihin na lang nating, big-time ang bago kong boss, kaya malaki kitaan for sure"
"Hmm edi good hehe, sige kuya una na ko bye-bye" paalam ko
Dumiretso na ako sa sakayan ng bus, dahil isang sakayan lang naman ng bus mula samin papuntang school
Naabutan ko Sina Jen at Anya sa may gate
" O? Ginagawa nyo dito?" Tanong ko
"Inaantay ka namin, tsaka si Ame, may news daw kasi sya " Jen
"ah about sa boys Yan , diba? Tama" tanong ko
"Duhh napaka KJ mo talaga Yanis girl" sabat ni Ame na kadarating lang
Umiling na lang ako at nauna ng naglakad
"You know what guys, my kuya just came back from US , and guess what?" Asar na pagkwekwento ni Ame"Of course we don't" Anya
"He will stay here na, and he will study here ulit, like wtf!?" Ame
"At bakit ka naman nagkakaganyan babaita?" Tanong ko noong makalapit na sila sa akin
"Like duhh may magsusumbong nanaman kila mom and dad whenever na mapaaway ako"
"Sabi na nga ba" Jen
Nga pala may sekreto si Ame na sa amin lang nya sinabi, They own this goddamn University, and Ms. Mel? Tita lang naman nila, yes you heard me right. Ang dahilan kung bakit sa amin nya lang sinabi ay baka raw maraming plastic ang makipagkaibigan sa kanya, at naintindigan naman namin yun, para saan pat magkakaibigan kami. Kaming tatlo nila Jen, Anya at ako ay makakaibigan na mula first year pa lang namin until now at si Ame last year which is yung napaaway sya, first year pa lang sya noon at kakastart pa lang halos ng klase. At di ako makapaniwala na nagkasundo-sundo na kami agad.
Napangiti na lang ako sa naisip ko. Nagising ako sa katotoohan nong hampasin ako ni Ame, ayan nanaman sya
"Aba tulaley ka nanaman girl, ano nanaman bang iniisip, Inlove ka noe?" Duro nya.
" aminin""Baliw hindi"
"Ows ipaliwanag mo kung bat ka tulala habang naka ngiti?" Anya
Tuloy lang ang pangtitease nila sakin kaya binilisan ko ang paglalakad ng
"ANAK NAMAN NG TETENG OH" at napasalampak ako sa aaan, ARAY Yung ilong ko nanaman, t-teka parang deja Vu ah
Wait a minute
Tumayo agad ako at hinanap ang nakabunggo sakin at hayon naglalakad na ang hayop palayo,
"HUYY IKAW NA LALAKI KANG LINTEK KA, TUMIGIL KA" sigaw ko kaya napatingin sakin ang mga tao, pero wala akong pake hindi ako pwedeng magkamali sya yung lalaking nagbukas ng malakas sa pinto ng teacher's office kahapon, sinundan ko sya buti tumigil,
"Ikaw, lintek ka hindi ka ba tinuruan ng mga magulang mong humingi ng tawad kapag nakakakabungo ng ibang tao!?" Sabi ko, pero nakatalikod pa rin sya "at itong ilong ko hindi pa magaling ito pero namamaga nanaman at dahil nanaman sayo iyon!" Habol ko
Nagulat ako pagharap nya
Shit!
YOU ARE READING
With You (YAJI Series #1)
Teen FictionBakit nga ba umaalis ang isang tao? Kung hindi mamamatay, maglalaho naman ito ng parang bula. Life is Unfair. Isn't it? Kung kailan ka masaya, laging kaakibat nito ang sakit. So why not try to do the same thing?