Sunday. Ngayon ko itinuloy iyong naudlot na paglilinis sa kwarto ko kahapon dahil sa may ulopong akong kinita.
Kakatapos ko lang ayusin ang mga libro. Balak ko na sanang magbasa ng magring ang phone ko. huh?
Axel calling...
["Hel-]
"Anong kailangan mo?" Hindi ko pa pinatatapos ang sasabihin nya
["Wala man lang, Hello? How are? Yan agad pambungad mo?"]
"Wala akong pake, dahil hindi tayo close" pambabara ko sa kanya
["We ate together yesterday, remember?"[
"ay sh-" napabuga ako ng hangin "Ano ngang kailangan mo?"
["Wala"] diretsong sabi nya sabay baba ng tawag
Aba't baliw na talaga itong lalaking ito.
Ipinagpatuloy ko na lang ang gawain ko, san na nga ba ulit ako ahh libro. HaysHindi rin ako makapag concentrate sa ginagawa ko dahil iniisip ko iyong kahapon. Hays ano ba yun? Wala lang naman yun diba? Kumain lang naman kami ng sabay, yun lang period. Pero arrrrgh.
Maaga akong nagising kinabukasan. Balak kong pumasok ng maaga at tumambay sa tambayan naming magbabarkada.
Paalis na ako ng bahay ng dumating si Kuya. Huh? Mukang dumadalas ang pag uwi ni kuya ng umaga ah? Nagpaalam na lang muna ako sa kanya dahil alam kong pagod sya.
Pagkarating ko sa school dumiretso na ko sa tambayan pero nagulat ako ng maabutan ko roon si Anya. Sa pwesto nya muka syang, tulog?
Dahan dahan akong lumapit at umupo malapit sa kanya para hindi sya magising.Tinitigan ko sya. Sa itsura nya muka syang problemado. Sa aming lahat sya ang pinaka mature mag isip. Tahimik sya kadalasan lalo kapag may problema sya.Tuwing may problema kami sya lagi ang nalalapitan namin. Masayahin si Anya kaya hindi mo alam kong anong tumatakbo sa isip sya, kung may problema rin ba sya. Bakit kaya ang aga nya? Kadalasan sya ang late samin ei.
Nakita kong gumalaw sya. Hala! nagising ko ba sya?
"Hala Anya sorry, nagising yata kita. Matulog ka lang muna dyan maaga pa naman, mukang kanina ka pa dito." paliwanag ko
Naghikab syang tumingin sakin, sabay tawa "Okay lang, maaga rin kasi akong nagising kanina kaya naisipan kong pumasok na ng maaga." tatawa-tawa nyang paliwanag "Nagrereview rin kasi ako, may test kami mamaya kay Sir Reyes" dagdag nya.
Saka ko lang napansin ang mga notebooks sa lapag kaya napa"ahh na lang ako.
Pareho kaming nakatutuk sa mga notes namin ng sabay na dumating sina Ame at Jen.
"oh? aga nyo ah himala" bungad ni Ame.
Sabay silang umupo ni Jen sa tapat namin pero si Jen na hawak ang phone na mukang seryoso.
"Guys" si Jen yun. Napatingin kami sa kanya dahil sa hindi malamang dahilan. "Have you seen the news?"
Nagtataka kaming tumingin sa kanya "I mean sa internet duh" sabay irap " I think maraming babae ang nagluluksa" lalo kaming nagtataka "ah sabi ko nga di nyo alam" sarkastiko nyang sabi sabay irap
Aba't ang babaeng ito napapadalas ang pagirap ah."Will you please shut up na and tell us what news are you referring to?" Ame. Dami pa kasing dada ei
"Oo na ito naman galit agad. So ayon na nga, the great" napatigil sya "I mean si Ivan Axel? the handsome slush cool guy na pinagkakaguluhan ngayon may girlfriend na pala"
Ah yun lang pala kala ko naman kung anong balita. Pero wait? Girlfriend?
"Apaka big deal naman. Kala ko naman kung ano na tsk" Anya
May kinakalikot si Jen sa phone nya. Nang mukang nakita na nya ang hinahanap nya iniharap nya yun samin para ipakita ang Isang picture.
At ang litratong pinakita nya ay si Ivan na may hawak na babae habang papasok sa kotse nya. Nagulat ako sa nakita ko kaya nahablot ko kay Jen ang phone nya, pero syempre joke lang noe. Kinuha ko sa bulsa ko ang phone ko para makibalita syempre.
Si Ivan Axel na may hawak na babae habang papasok sa kotse nya. Ito ang tinutukoy ni Jen. Ang babae sa litrato ay kagaya ng damit ko noong sabado, sigurado ako doon.
YOU ARE READING
With You (YAJI Series #1)
Novela JuvenilBakit nga ba umaalis ang isang tao? Kung hindi mamamatay, maglalaho naman ito ng parang bula. Life is Unfair. Isn't it? Kung kailan ka masaya, laging kaakibat nito ang sakit. So why not try to do the same thing?