Kinabukasan ay Sabado. Maagang gumising si Vann upang sumabay na mag-almusal sa kanyang ama. It is one of the rules in their mansion. At kasabay nilang kumain lahat ng taong naninilbihan sa kanila.
Pagkatapos nila kumain ay nagpaalam na si Lorde.
"Mauuna na ako."
Nang makaalis siya ay umakyat naman si Vann upang mag-ayos ng sarili.
Pumasok si Mr. Centivania sa pinto sa basement ng mall na pagmamay-ari niya. May hagdan dito papunta sa isang underground floor. Pagpasok niya ay binati siya ng lahat nang naroroon.
"Mr. Wong. Narito ka na pala," panimula niya at nilapitan ang bisita na kanina pa naghihintay sa kanya.
"Yeah. And you know that I hate waiting," sagot nito.
"He will be minutes late. Let me tour you first in our secr-"
Hindi na naituloy ni Mr. Centivania ang sasabihin nang muling bumukas ang pinto. Pumasok ang isang matangkad na lalaki. Nakasuot ito ng itim na blazer sa ibabaw ng itim na polo at itim na necktie. Nakasuot ito ng maskara na itim na labi at baba lang ang kita. Lumapit ito at bumati sa kanila.
"Good morning, Gents."
Ngumiti lang si Mr. Centivania.
"Mr. Wong, this is Alter. My personal assassin and he only takes commands from me."
Yumuko ang binata bago ilahad ang kamay sa kaharap. "Mr. Wong."
Tinanggap ito ng huli. "Alter."
Saka lumingon ang binata kay Mr. Centivania, "Lorde Master." at muling yumuko.
"May ipagagawa sa iyo si Mr. Wong. You have to assassinate Mr. Hernandez. Ang makakalaban niya sa pagiging congressman sa susunod na election," paliwanag ni Lorde kay Alter. Nag-abot naman si Mr. Wong ng isang folder sa kanya. "Nandiyan lahat ng mga dapat mong malaman. I will give you a million for this job. At ayoko ng palpak."
"Excuse me, Mr. Wong, he is well trained and he never failed a single task given to him," agad na depensa ni Lorde. Habang tahimik lamang ang binata na nasa kanilang harapan.
"Siguraduhin niyo lang," si Mr. Wong bago tumalikod para umalis.
Pagkatapos niyon ay nagpalit si Alter ng mas komportableng damit upang mas madali niyang magawa ang kanyang trabaho. Ilang minuto ang lumipas ay lumabas na siya sa secret underground floor. Sumakay sa kanyang motor at humarurot.
Pumunta siya sa city hall kung nasaan si Mr. Hernandez. He is currently the governor of the city. Maraming nagbabantay sa premises nito kaya sa isang mall malapit doon nagpark si Alter. Naglakad siya palapit sa city hall saka umakyat sa puno. Dito muna siya tatambay habang hinihintay ang gobernador.
Nilabas niya muna ang paborito niyang libro at saka nagbasa. Isa ito sa dose-dosenang libro na katha ng anak ng Lord Master na si Vann. Sa lahat ng tauhan ng organisasyon na pinamumunuan ni Lorde Centivania, tanging si Alter palang maliban kay butler Mendez ang nakapasok sa kanyang mansion.
Makalipas ang ilang oras ay nakita niyang lumabas na ang Governor Hernandez sa city hall. Dali dali niya itong sinundan. Sa mall, sa bar hanggang sa pag-uwi nito. Gabi na nang makarating sila sa Mansion ng gobernador.
Tatlong palapag ito at malawak. Napaliligiran din ito ng hardin. May fountain sa gitna nito at may mga puno malapit sa 20 feet na pader na pumapalibot dito. Walang kahirap-hirap na inakyat ito ni Alter. Humakbang siya sa isang sanga ng puno saka dito umupo nang marinig niya ang dalawang babaeng nag-uusap.
"Lasing na naman ang amo na'tin. I'm sure, galing na naman yan sa bar. Buti nalang, out of town si Madam. Kung hindi, ayaw na naman," pagsasabi ng isa ng kanyang opinyon.
"Hayaan mo na, alam mo naman na nagkakaganyan lang yan dahil hindi siya mabigyan ng anak ng asawa niya," sagot naman ng isa.
Mga kasambahay ito ng gobernador na nagdidilig ng halaman.
"Naku tara na nga. Baka may makarinig pa sa atin."
Napa iling nalang si Alter, "Mga chismosa." Usal niya with accent pa, bago tumayo. Sapat na ang mga nalaman niya.
Nagpalipat-lipat siya sa naglalakihang sanga ng puno. Hanggang sa marating siya sa tapat ng balkonahe ni Gov. Hernandez. Ayon sa papel na nakalagay sa folder na bigay ni Mr. Wong, ang kwarto ng mag-asawang Hernandez ay may balkohane na nakaharap sa araw kapag ito ay lulubog na.
Naghintay ng tamang panahon si Alter. Inakyat niya ang balcony ng silid. At dahil assasing nga siya at self-proclaimed locksmith, madali niyang nabuksan ang kandado gamit ang dala niyang tools na nakaipit sa dala niyang libro. Pagbukas niya ng pinto ay patay na ang ilaw sa silid at tanging ang lampshade nalang sa side table ang bukas. Mahimbing ang tulog ng gobernador. Halatang lasing ito dahil hindi na yata niya nagawang magbihis pa. Nakatulog na ito nang walang saplot pagkatapos maligo. Napangisi si Alter.
"Aww. Sleeping like a baby with a tiny D," napahagikhik nalang siya sa sarili niyang kapilyuhan.
###
YOU ARE READING
Altered Ace
De TodoA story of a boy who lost his parents when he was just a child. But a rich man adopted him and helped him get his vengeance. Nuh. Just read it.