Heartbeats#2:

716 11 4
                                    

Heartbeat#2:

Mikay's POV:

Sino ba 'tong lalaki na may hawak sa kamay ko... Grabe ang sakit!

"OYYY! SINO KA BA AT BAKIT MO SINISIRA ANG VENDO MACHINE?!" sabi nung rude boy. Di ko sya makita kasi nilagay niya sa likod ko yung dalawa kong kamay.

"AWTSU~!! NASASAKTAN NA KO.... PLEASE BITAWAN MO KO?!!" nag pupumiglas naman ako ngunit ayaw nya parin akong bitawan. I think i'm going to have bruise!

"NO! DADALHIN KITA SA OFFICE!!" ang kulit nitong lalaking to.

"ANO BA!! DI KO NAMAN SINISIRA YUNG VENDO MACHINE NA YUN! KAYA PWEDE BA BITAWAN MO KO!" binuhos ko buong lakas ko para mabitawan nya ko. At ayun nabitawan na nga nya ako.

Humarap ako sa lalaki at ako'y nagulat.. As in shockings!!

Ang HOT nyaaaaaa!

Stop it Mikay! Masama syang tao. Sinaktan ka nga nya ng di mo man lang alam kung bakit diba?

"Nakita ko Miss, sinisira mo yung Vendo Machine.. Di mo ba alam na iyan na lang yung natitirang Vendo Machine dito?! Ano bang section mo? Ipapasuspende kita!!" bakit ba galit na galit sya? Siya ba may ari ng school na'to? Makapag react naman to!!

"FYI! Di ko nga sinisira. Kinain ng Vendo Machine na yan yung 100 pesos ko! I was about to buy 3 cokes! At FYI again! Di 'PA' ko dito nag aaral! MAG AARAL PA LANG!!" sabi ko sa kanya. Di na ko makapag pigil sobra sya.

"Kahit na!! Tara sa office! Sasabihin ko na wag kang tanggapin!" Sabay hawak nya sa wrist ko at hinila ako papunta somewhere..

Waaaah.. MAMA! May Freak dito!!

"ANO BA!!" pag pupumiglas ko. Napansin kong dumami yung tao sa paligid. I think mga students sila. Mga nakauniform eh.

"DON'T YOU DARE!!" sabi nya sabay titig sakin.

"OMG! Sino ba yung babaing yan?"

"oo nga! Grabe.. Galit na galit si Gino oh!"

"nakakatakot"

"pero ang gwapo padin nyaa!"

"buti nga sa babae. Kabago bago pa lang eh!"

"Gino Go!!"

Aba! So sikat pala sya dito! Hmp! Pwes ako. Di ako kasali sa Fansclub nya. Baka ako pa ang mag tayo ng HatersClub nya! Wait and see. Bwahahahahaha.

"BITAWAN MO KO! DI AKO NATATAKOT SAYO!!" pag pupumiglas ko. Grabe ang sakit na nung pag kakapit nya. Naiiyak nako.

di sya nag salita at mas lalo pa nyang hinigpitan.

"P-please?" *sniff* naiyak na ko sa sakit.

Biglang nag loose yung pag kakahawak nya. At napahinto sya. Napansin ko din na wala ng tao dito sa hallway. Siguro nag sipasukan na.

Asan na kaya sila Mama? Gusto ko ng pumunta sa kanila. Ayoko dito! Masamang tao itong kasama ko!

"Hey! Why are you crying?!" May gana pa syang mag taka?!

"Please.. Let me go?!" sabi ko sabay takbo. Di ko alam kung saan ako napunta. Basta ang alam ko nakalabas ako ng school.

*ringg-ringg*

Mama calling...

"h-hello ma?"

"Anak! Nasan ka na? Kanina ka pa namin hinahanap. Sabi namin sayo bumili ka ng soft drinks! Asan ka na at uuwi na tayo." sabi ni Mama sa kabilang linya. Buti di nya napansin na medyo iba yung boses ko.

My Heartbeats belongs to you  (KathNiel Story) (Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon