Heartbeats#5

138 4 0
                                    

Heartbeats#5

Mikay's POV:

"MIKAAAAY! Wag kang papasok diyan!"

Napalingon naman ako kung kanino yung boses na yun.

"Katsumi? Anong ginagawa mo dito?" Sabi ko. Di ko na din tinuloy yung oag pihit ng pinto. Sabi nya wag eh.

"Ako dapat mag tanong nyan sayo.. Anong ginagawa mo dito?"

"Napadaan lang ako taas may narinig akong kumakanta kaya nacurious ko.. Papasok na sana ako diyan sa room na yan kaso sabi mo wag eh.."

"Anong ginagawa nyo dito?" Sabay kaming napalingon dun sa nagsalita.

Badtrip. Aga aga sya agad makikita ko?

"Oy Pre, pinapatawag ka ni Principal.. " sabi ni Katsumi. Ako naman nanatiling tahimik sa tabi.

"Ikaw anong ginagawa mo dito?!" Gino said with his cold voice.

"Pakielam mo?" Sagot ko. Bat ba ang tapang ko?!

Nagulat ata si Katsumi sa inasta ko.

"Hmm.. Mikay tara na una na tayo.. Baka kasi mag sisimula na yung klase." Aya sakin ni Katsumi,

"Magkakilala kayo?" Tanong ni Gino.

"Oo pre, sya yung sinasabi ko kagabi na ipapakilala ni Julia kaso di ka naman namin nakasabay" weh? Kinuwento nko ni Katsumi dito sa bruho nato?

"Tama lang pala na di ako pumunta eh." Sabay tingin sakin ng masama. Edi tinignan ko din sya ng masama.

**RIIIIIING-RIIIIING***

"The bell is ringing come on guys tama na ang titigan." Sabi ni Katsumi at nauna ng mag lakad.

Susunod na sana ako kay Katsumi nung bigla akong pinigilan ni Gino.

"Bat ka nandito sa teritoryo ko?" Sabi nya habang hawak hawak yung wrist ko. Bat ba ang hilig nyang hawakan yung wrist ko?!

"Bitawan mo nga ako... Wala kang pake.." Teritoryo? Masyado syang mayabang.

"Alam mo bang lahat ng pumupunta dito pwera lang kila Katsumi ay binibigyan ko ng death note?" Madiin nyang sabi.

Death note? Ano to Meteor Garden? May red card? Come on di ito teleserye.. Wag syang ano!

"Seriously?! Death note? Ano to? Koreanovela? Teleserye? Wow, mahilig ka pala dun. Pati dito sa school inaapply mo?" Asar kong sabi sa kanya.

"What?! Ugrrr. Humanda ka.. Matapang ka hah?! Pwes humanda ka sa parusa ko sayo. Wala pang kumalaban sakin dito ikaw lang... Humanda ka!!" Sabi nya sabay bitaw sa wrist ko at umalis na.

WTH?! What did i do? Sabi ni Mama wag ko daw kakalabanin ang anak ng mayari ng school! Bat? Bat ba ang tapang ko?!

Napaface palm ako at nag simula ng mag lakad...

Ano ba tong napasok ko?!

**

I'm Back!!! Namiss ko to!! Omg sorry guys! :( sorry!

Sana may mga natitira pako readers. Hello sa inyo mahal na mahal ko kayo ❤️ take care ah? Have a nice day!

Iamcamsiibabe 💛

My Heartbeats belongs to you  (KathNiel Story) (Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon