“Well me I fall in love with your every single day”
“Klein ngayon ba ipapasa yung sa requirments?” At inayos ko ung pagkarami-raming folders na hawak-hawak ko. “Oo, sipag mo talaga noh. Ginawa nga lahat.” Sabi niya pa sabay palakpak at tawa ng konti.
“Aba, sa sipag ko na ‘to noh, gagawin ko talaga lahat para umunlad sa buhay pag-aaral.” Seryoso kong sabi kaya yung iba napatingin sa pwesto namin ni Klein. “Wow ah, ang lalim naman ng dahilan mo Ms. Mirae. Hays, sige lang patunayan mong may forever!” At tumayo na siya habang tumatawa pa. Aba’t nasama pa si forever dito? Anong konek? Hahaha.
Okay so, back to the story. Chine-check ko lang yung folders ko para sa requirments namin for the clearance. Ang hirap talaga kapag highschool ka, tapos graduating pa. Andaming problema sa buhay. Tapos ngayon na valedictorian ulit ako.
Pakiramdam ko talaga sa sarili ko, nagmature narin siguro ako. Kasi nakita ko rin naman na yung pagbabago this past few years. Lalo na noong 1st year highschool ako dito sa HinLin Ac. Kung saan ko talaga naranasan lahat about Xander. So meaning, ang kinukwento ko ngayon ay yung storya ko noong bago palang ako dito sa HinLin.
That early age, naranasan ko yun. Kahit in end nawala rin kasi nga wala talagang forever. Hahaha. Pero seryoso, never pa akong nagka-boyfriend. As in never ever in forever. Hindi rin naman ako nagkaroon ng “ka-MU” Yung MU ba, malanding usapan. Hahaha. Pero yung totoo hindi ko alam kung anong naging title namin noon. Kahit pumasok na yung “sweetness, endearments” sa bawat messages namin sa isa’t isa.
Siguro nga nadun parin yung priority sa utak ko, noong mga panahong iyon. Yung study muna, kahit niligawan na ako. Tapos tsaka ko na tinanggihan. At doon na nga pumasok yung awkwardness ng friendship namin, at doon narin natapos ung connection namin sa isa’t isa.
Sino ba namang hindi gagamit ng utak sa ganoong sitwasyon di ba? He is super older than me, na first year highschool palang na halos di-discover palang ng mga bagay-bagay. Tapos siya patapos na madiscover yun. Unfair di ba?
Kaya siguro naiisip ko siya ngayon, kasi may nanghihingi sakin ng advice from lower level about her lovelife na mas matanda sakanya yung lalaki tapos siya bata pa. At doon na nga pumasok sa isip ko si Xander. Kung saan, pareho kami ng sitwasyon nitong batang ito noong 1st year hs rin ako. Ang hirap kasi talagang maging maganda.
Actually, maraming nanghihingi sakin ng advice about love. Hindi ko alam kung paano nila, nare-realize o kaya napapaniwalaan lahat ng mga sinasabi ko, kahit ang totoo never pa akong nainlove. Never nga ba?
Sikat ako rito sa HinLin sa pagiging huwarang estudyante, at taga-advice ng lahat about sa problema nila. Ewan ko, pero ang sarap lang tumulong o kaya magbigay ng ‘word of wisdom’ sa ibang tao. Pero sa pagkakakaalam ko, halos puro tunkol naman sa pag-ibig yung mga problema nila sa buhay, at halos puro babae rin ang lumalapit, katulad nalang nito ngayon.
“Siguro ang dapat mong gawin, ay tukuyin kung mahal ka ba talaga niya. At paano? Paghintayin mo hangga’t magmature ka. Tapos kapag sumuko agad, malalaman mo na hindi totoo yan. Wag mo rin masyadong i-entertain ang panliligaw at presensya niya, baka kasi sa huli kapag nawala, ikaw rin ang masktan kasi nga sinanay mo ang sarili mo.” Then I smiled. Gusto kong i-share sa kanya ang natutunan ko, last 3 years ago. Tsaka mahirap kayang kalimutan yung pinagsamahan niyo kahit bilang kaibigan lang.
BINABASA MO ANG
Thinking Out Loud
Підліткова літератураPaano nalang kung biglang may dumating na tao na nangugulo ng utakmo? Dahil palagi mo nalang siya iniisip? Ano nalang ang gagawin mo? He's just a clumsy, annoying and clicngy boy who make some difference in my world. Can I survive this new brain bec...