Where does, love begin?

44 2 0
                                    

"People fall in love in mysterious way, maybe just a touch of hand."

Seryosong usapan, hindi ko kayang maniwala sa mga kataga ng mga lalaki na "na love at first sight ako sayo" tapos sabay kindat. Yung totoo? Ang cliché lang ng dating. Pero sabi nga dun sa kanta, "People fall in love in mysterious way, maybe just a touch of hand." May iba't ibang taste ang bawat tao, iba't ibang tinitikbok ng puso. Kaya yung iba, hindi nalang nila inaasahan na makakain nila yung sinabi nila na, 'hindi siya yung tipo ko' ang tototoo niyan, "oppposite really do attracts."

Pero yung totoo, saan nga ba nagsisimula ang tinatawag na 'Chapters that All about love'?

Sa first day of school kung saan makikilala ng isang heartthrob o kaya campus crush ang isang nobody na babae?

O kaya sa library na magkakaagawan ng libro ang isang babae at lalaki, tapos magkakaasaran pa, pero in the end magiging sila.

Pede rin naman kapag nagkabungguan sa kanto? Tapos dun na papasok yung 'love at first sight' na tinatawag nila.

Hindi kaya sa social networking sites? Yung may makikilala ka tapos in end magkakagusto karin pala.

Marami na akong naisip na pwedeng scenes kung saan magugulat ka nalang na nandyan na pala. Lahat na lamang ng naisip ko na yan gasgas na, o masyado ng 'common' pero para sakin, kahit yung mga scenes na ganyan sa mga teleserye o sa mga librong nababasa, mas kakaiba parin kapag mismong ikaw ang nakaranas. Mas masarap ang feeling.

Maalis sa isip mo yung salitang "cliché"

Pero kung sa kwento ko ang pag-uusapan? Isang malaking 'wrong timing'. Pagkakamali, pagbabago, padalos-dalos ng desisyon. At syempre sobrang cliché narin. Hindi man ganon ka unique ang kwento ko, basta sigurado ko sa sarili ko na kahit papaano, natututo ako. Naranasan ko rin yung mga ganong feeling.

Maling panahon, tamang relasyon. Tamang panahon, maling relasyon. Pero sabi nga ng mga magulang ko, hindi naman bawal, pero may tamang panahon.

"Sigurado ka girl, may gusto ka talaga diyan?"

Dito nagsimula ang pagkakabigan namin ng babaeng 'to na si Klein first year highschool palang kami. Kasi nga daw, concern daw siya sakin. Kaya kikilatisin niya raw yung mga lalaking lalapit sakin. Pero sa tanong niya na 'to? Tumango nalang ako. Mas mabuti namang gusto palang, kaysa mahal agad. Di ba?

Ako yung tipo ng babae na, masyadong sinisiguro yung nararamdaman ko. Yung nakabase agad ako sa kung anong tama kaysa sa mali. Pero sa isang sandali, hindi ko narin namalayan na nasa mali na pala ako. Means, in a wrong decision that goes to a wrong situation.

"Ang pangit ng taste mo, kasing pangit ng lalaking yun."

Hindi ko alam kung bitter ba 'to o wala lang talagang magawa sa buhay. Pero kahit ganito 'to mahal ko parin 'tong babae na 'to. Pero kahit ang sinabi ko palang kay Klein na bestfriend ko ay, "I think I like this guy" pakiramdam ko, hindi ko parin sigurdo kung totoo ba na gusto ko siya.

Kasi nga, weird ang sitwasyon. Kaya nga 'I think' palang eh. Meaning, baka palang. Pero yung totoo, ang sakit ah. Pangit daw ng taste ko. Pake ba niya sa taste ko, eh sa iba iba nga ang taste ng bawat tao eh.

"Tsk, iba iba ang taste natin."

At naglakad na nga ako palayo sakanya. Na-offend yata ako, bigla. Pero ewan, masyado lang talagang sensitive ang sarili ko sa mga bagay bagay na unang beses ko palang naranasan. This was years ago, na bigla ko lang naalala.

Thinking Out LoudTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon