An end

28 2 0
                                    

“Place your hand on my beating heart. . .”

Tamang panahon na ba ngayon? Oo na ba ako? Actually, gulong gulo ako ngayon—sa sitwasyon ngayon. Sabi ko nga di ba na, kapag nagmahal ako, dapat tapos na ako sa mga obligasyon ko sa pagiging anak sa mga magulang ko. I mean, tapos na ako sa pag-aaral ko.

Sa pagkakaalam ko kasi, boyfriend just give worries. Kaya ayun parang ewan lang ako na nageexpect agad ng kakaiba between me and Xander.

Yakap-yakap niya parin ako ngayon. Yung yakap na punong-puno ng emosyon. Ramdam na ramdam ko yung saya niya ng mahawakan niya ako ulit. Pakiramdam ko, ito na ata yung simula ulit? Simula sa pagitan namin. “Sobrang namiss kita.” Dun ko lang na-realize na parang pagsisimula rin pala ulit yung pagpapakilala niya sakin kanina.

Kumalas narin siya sa pagkakayakap, “Kalimutan na natin yung nangyari noon, magsimula ulit tayo.” At binigyan niya ako ng matamis na ngiti, at pansin ko lang hindi ako masyadong nakakapagsalita simula kanina. Siguro sa kaba, at pagkabigla sa nangyayari ngayon. “Ako nga pala ulit si Xander Jung. X for short.” At ako ito si tulala pero ngumiti din ako. Ano bayan, nakakaloka na ang nagaganap. Hahaha.

At inabot niya na nga ulit yung kamay niya, kinuha ko naman ito. “Miraena Daniel. Mirae in short.” At nginitian ko na nga siya. Ang saya lang sa pakiramdam. Sa loob ng tatlong taon with no connections, ito kami. Nagsisimula ulit ng panibago para mas makilala ang isa’t isa.

Nalaman ko rin na 4th year college na siya. Habang ako 4th year highschool. Isipin mo yun? Age doesn’t matter, ano ka ba! Hahahaha. Sa pagkakaibigan namin, masaya kami. Siguro sadyang continuation lang ulit ng paghihintay niya. Swerte ko no? Isang kyot na kyot na lalaking mukhang korean, hinihintay ako? Hahaha, pero ayun nga sinabi ko na hindi pa ako ready sa mga ‘love kuno’.

Pero sa loob ng tatlong taon, naging mas mature na ako kaysa noon. Mas ginagamit ko na ang utak ko kaysa sa puso ko. Siguro nga, tama parin na hindi palaging pinapairal ang puso. Hindi laging ‘follow your heart’ , hindi kapag nasabi o naramdaman mo na agad na kumakabog kabog na si malanding puso, estepuso lang pala eh go na go na at sugod agad sa kung sinoman ang nagpapatibok nun. Mahalaga parin yung “standards, at priorities” sa buhay, yun ang mahalaga.

3 years ago. . .

 

Malapit na akong gum-raduate, ngayong March na. At super excited ako! Nagbunga lahat ng paghihirap ko sa kolehiyo at sa lahat ng sacripisyo. Pero sa kabila noon, masaya rin ako dahil malapit na ang anniversary namin ni Xander. At pakiramdam ko, ako na ata ang pinakamasayang babae. Though, wala talagang forever. Naniniwala parin ako na, sasaya at tatagal kami ni X.

“Xander, okay ka lang ba?” Para kasing may gusto siyang sabihin at pakiramdam ko rin kanina pa siya tahimik. Sa loob kasi ng paglilibot namin dito sa park, tahimik lang siya habang hawak yung kamay ko. At nararamdaman ko rin na ang lamig ng kamay niya.

“Ah-ano, o-kay lang ako.” Sabi niya habang hindi makatingin sakin, pansin ko rin na panay ang tingin niya sa relo niya. Alam naman namin na gabi na talaga pero bakit kailangan pa niya lagi tumingin sa relo niya. Para talagang may kakaiba eh. Lumalakas tuloy yung curiousity ko sa buhay. Kinakabahan rin tuloy ako sa inaakto niya. May kakaiba kasi talaga.

Thinking Out LoudTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon