Getting back?

18 2 0
                                    

3 – Getting back together

“Take me into your loving arms. . .”

 

Sa totooo lang kinakabahan ako. Sobra, hindi ko alam kung anong ipapayo sa lalaking ‘to. Bakit ba ganun? Ito rin kasi yung naging problema ko for those past damn years, na halos nakalimutan ko na rin.

Ano ba? Ugh! Ito na naman ako eh, bumabalik na naman sa utak ko lahat ng nangyari. “I hate this! Ugh! Sakit na ng utak ko dahil sakanya. Can somenone help me again?”

Tumingin muna ako sa bintana ng kwarto ko. Gabi na at halos magaa-alas diyes na ng hating gabi. At halos tulog narin sila Mama. At ako, ito hirap na hirap sa lecheng sitwasyon ko sa buhay.

Paano na naman ba ‘to? Pano nga kung siya yun, paano kung si Xander nga siya? Ako kasi ‘tong si tanga na nagulat kanina at hindi nakita ang mukha nung lalaki kanina. Why so bobita? Hays. Nagsulat nalang ako ng nagsulat sa likod ng papel. Kahit ano nalang siguro. Kasi kahit ako, hinding hindi ko alam ang sagot sa sitwasyon niya na minsan narin ako naipit.

Ang tanong niya dito sa sulat na talaga naglighten up sakin ay yung “Ano po ba gagawin ko, para maibalik pa siya sa panahon ngayon?” Ibabalik sa panahon ngayon? Well, nakakaloka talaga ‘to. Ang hirap niyang sagutin, as in hindi ko alam ang tamang gagawin niya at ang isasagot ko.

He is my damn first love. At ngayon naghihinala pa ko na siya si “~X”? What if magkita kami ulit? Ano nalang sasabihin ko sa mga tatanong niya sakin? At panigurado lang na parang may humahabol na kabayo sa dibdib ko sa sobrang lakas ng tibok at pakiramdam ko siguro end of the world na at panigurado rin na matataranta ako. Paano nalang yung beauty ko?

Kung siguro sa iba na magtatanong kung anong dapat gawin nila kapag kinakabahan o kaya yung mga kakaibang pakiramdam nila sa mga ganoong sitwasyon, masasagot ko pa. Pero mahirap pala, mahirap kapag ikaw ang nangangailangan ng sagot. Parang ayaw mo maniwala sa sarili mo kung ano ang tamang gagawin na siyang naiisip ng utak mo.

Halimbawa nalang sa paggawa ng book cover o kaya designs para sa cover ng mga works mo o kaya ng mga story na sinulat mo. Yung ikaw mismo yung gagawa, pero parang nakaka-conscious gamitin at feeling mo ang pangit kapag ikaw mismo ang gagawa. Pero kapag may nag-request sayong iba, feel na feel mo yung ganda ng designs o artworks mo. Ganun rin sa pagbibigay ng advice sa ibang tao. Ayaw mong maniwala sa sarili mo kapag sayo mismo nanggaling yung sagot sa problema mo. Kaya dun na papasok sa isip mo na lumapit nalang sa iba kaysa paniwalaan ang sinasabi ng utak mo, which is yun ang tama.

Kaya yung iba, sakin lumalapit para humingi ng mga hugot advices para sa love problems nila.

At ngayon, kahit alam  kong sa iba ‘to galing. Pakiramdam ko parang para sakin, kasi halos parehong-pareho kami ng sitwasyon ng problema  sa buhay ng lalaking ‘to. Kaya ganito nalang ako, na kanina pa isip ng isip sa ipapayo sakanya.

Pero bigla nalang pumasok itong simpleng phases sa utak ko. Kaya siguro pwede na ‘to para sakanya.

“Just follow your heart. Pero ilagay mo sa lugar, wag puro puso gamitan rin ng utak palagi para sa sitwasyon mo.”

Thinking Out LoudTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon