Okay ka lang?Tanong na magkikibit balikat ka na lang.
Tanong na di mo alam paano mo sasagutin.
Lalo na kung things do not go the way it should be.Okay ka lang? Sure ka?
Tanong na gusto mo na lang sagutin ng oo,
Para wala ng sunod na tanong.
Para wala nang ibang paliwanag pa.
Kaso sino ba niloloko mo?Okay lang ako. Sure ako.
Okay ka kasi may kasama ka pa.
Okay ka kasi may tao sa paligid mo.
Okay ka kasi tinatamad kang magpaliwanag ng nararamdaman mo.
Okay ka kasi akala mo okay ka.Pero okay ka lang nga ba?
Yung nakakatawa ang pinapanood pero tumutulo luha mo.
Iyong nagtatago ka sa likod ng emoji na tumatawa.
Kasi katwiran mo, wala naman nakakakita.
Pero, di ba? Sino ang niloloko mo?No one will judge us if we are not okay.
No one will laugh at us if we are not okay.
Lahat naman tayo ay may dinaanan, dinadaanan at dadaanang mga sitwasyon na feeling natin di natin kakayanin.
Pero, let's try.Let's try to heal.
Let's try to focus on things that will make us heal.
Let's try to look at things that will make us happy.
And let's try to be okay thinking that time will heal all the wounds that we have.In God's time.
-Luta Sur, Malvar
7:05pm Oct 29, 2021#Healing #coping
BINABASA MO ANG
Thoughts
PoetryA powerful mind...... Untold feelings..... Indescribable personas.... One hand.. Crazy brain. This is a collection of poems. Random thoughts that lingers on me. Crazy stanzas from nowhere. These poems are my thoughts. Some are felt. Some are not.