Takbo

22 0 0
                                    

Takbo.
Tumakbo.
Tumatakbo.
Salitang may ibat ibang ibig sabihin
Tumakbo mula sa nakaraan
Tumatakbo sa kasalukuyan
At takbo para sa kinabukasan.
Tumakbo sa isang masakit na kahapon
Tumatakbo para makapag move on
Tatakbo para hindi na mapagiwanan ng pabago bagong panahon.

Distansya niyo ay malayo na
Huwag ka nang umasa pa
Sabi niya'y ayaw na niya
Ano't pinagpipilitan pa?

Ikaw na lang naiwan
Ikaw na lang naririyan
Humakbang ka naman
At nang hindi mapagiwanan.

Ayos lang na mahuli ka
Basta ikaw ay maayos na
Yung tipong kayang kaya mo na
Na humakbang palayo sa kanya.

Palayain ang sarili
Huwag pagbuntunan ng sisi
Naging masaya ka naman ng kaunti
Pasasaan ba't ligaya mo ay nasa dulo na iyong minimithi.

7:33pm
October 18,2017
El Tormis Subdivision, Luta Sur,Malvar

ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon