Umaasa Kasi Na "SEEN"

42 0 0
                                    


Pangalan pa lang niya, napapangiti ka na.
Katunog man o kapangalan lang niya.
Naiinis kapag connecting ang data
At natatawang mag- isa

Nag aalala ka, kahit hindi naman dapat
Natataranta ka kapag siya'y stress out
Gusto mong mapangiti siya para man lang mabawasan
Pagod niya sa ginagawa niya ay dagliang lumisan.

Ikaw ay nalilito sa nararamdaman mo.
Natatakot mahulog kasi baka di ka masalo.
Natatakot umasang baka pwede kayo.
Pero heto't naghihintay ng mensaheng para sayo.

Natanong ko na lamang, pwede naman di ba?
Oras mo'y di ilalaan kung wala lang talaga.
Natutunan ko kapag wala kang halaga
Ni pagtuunan ka ng SEEN ay di niya magagawa.

EL TORMIS SUBD, LUTA SUR MALVAR
8:16PM
OUT OF BOREDOM

ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon