SK 18 - HIS wearing IT.

1.4K 26 5
                                    

~Dominique's POV

Excited na ko sa kalalabasan ng plano ko. Hayy siguro sa story na to ako ang 'Kontrabida'. Hindi yung tipong nananakit at naninira. Yung tipong nanggugulo at nagpapasaya lang :D

"Guys kita kita tayo mamaya sa Park ha?" Nakaconference kami ngayong lima.

"HUH ?! Para san naman ?" Sabi agad ni Francis.

"Ito nalang nga pahinga natin eh." Sabi naman ni DJ. Napakatamad talaga ng mga to -____-


"Basta pumunta kayo." 


"May pupuntahan kasi ako mamaya eh." Sabi ni Jerome. Itong si Jerome madalas nalang nawawala at biglang susulpot. Tapos parati pang may lakad.


"Pwede ako." Sabi naman agad ni Quen.


"Ano ba mga Dre ! Sumama na kayo samin ni Quen." Pamimilit ko pa.


"Tsk! Try ko , Kapag naboring ako dito sa bahay." Sabi naman ni Dj tapos nagleave na sa Convo.

"Sige sasama na rin ako. KUNG papayagan ako." Habol ni Francis.

"Ikaw Jerome ? Ayaw mo talaga ?" Aish. Dapat kumpleto kami non ! :D

"Psh ! Oo na ! Susunod ako." Tapos binaba narin.

Haay nako. Magiging maganda to :))

~Daniel's POV

Ano na naman kayang pakulo ni Dom at talagang pinilit niya pa kami. Tsaka ang cheap ha ? Park talaga ? Di pwedeng mall ? -______-

Tapos alas tres ng hapon ?! Tae mangingitim kami non !! Sunugan gusto niya ? -______-

"Anak aalis ka ba mamaya?" Tanong ni Mama habang nanonood ako ng TV.

"Bakit Ma ?" Tanong ko pa.

Stolen Kiss [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon