SK 36 - Let It Be.

1K 16 0
                                    

~DJ's POV

"GINAWA MO YUN KAY KATH?!" Sigaw ni Yanyan sakin. Nang matapos kong ikwento sa kanila yung nangyari.

"I have no choice. Mas masasaktan si Kath kung patatagalin ko pa yun." Paliwanag ko sa kanya. 

Kailangan ko ng itigil ang kahibangan ko sa pag-ibig. Kasi hindi lang ako yung masasaktan. PATI YUNG MAMAHALIN KO. Katulad ni Kath.

"Daniel alam mo bang sa lahat ng lalaking nanligaw kay Kath ikaw yung pinakagusto ko. Bet nga kita eh. Pero nagkamali ako. Akala ko iba ka, Akala ko hindi mo siya kayang saktan." Napailing iling siya. Habang ako nakayuko lang.

Walang pasok remember? At nandito kaming lima sa may park. 

"Pero hindi ko yun ginusto!" Napataas yung boses ko. Si Yan naman napatayo sa upuan.

"You have a choice Daniel. DUWAG KA LANG!" Tapos tumakbo na siya paalis. Ako? Duwag? Hindi ko maintindihan yung sinabi niya.

"YANYAN! Guys wait lang ha?" Sinundan naman siya agad ni Jerome. Sana katulad nalang kami nila Je at Yan. 

"DJ bakit hinayaan mong mahalin ka pa ni Kath kung papaasahin mo lang pala siya?" Mahinahon na tanong ni Francis sakin. Si Dom naman nakatulala lang.

"Hindi ko naman pinlano na paasahin siya eh." Napahawak ako sa ulo ko at unti unti ng pumatak ang mga luha galing sa mata ko. "Ang sakit pare, Ang sakit na makita siya nasasaktan dahil sakin." 

"Ako talaga yung may kasalanan nito eh. DJ sorry. Akala ko kasi---" Dom.

"Hindi dre. Dapat nga magpasalamat pa ko sayo eh." Sagot ko sa kanya. Hinayaan ko lang na umiyak ako sa harap nila, Ngayon lang naman eh. Ngayon lang ako magpapakita ng kahinaan ko. Kahit saglit lang.

Baka bigla nalang akong sumabog dito kapag hindi ko nilabas to eh.

"Buti nakaya mong sabihin kay Kath yung mga salitang yon." Sabi ni Cis sakin. "Buti kinaya mong ipaubaya siya kay Quen."

"Aish! Wag mo na ipaalala."

"Hindi mo ba pwedeng pilitin yung Dad mo?" Feeling ko tuloy pabigat ako sa tropa. Imagine pinoproblema nila yung problema ko.

Stolen Kiss [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon