SK 38 - I'm Begging You.

1K 14 1
                                    

~DJ's POV

Pagkababa ko ng bahay namin dumiretso na ko sa kwarto ko. Kailangan ko ng magisip ng tama. Kailangan ko ng itama ang mga bagay bagay. Kailangan ko ng ipaglaban si Kath.

Nang nakapagpalit na ko ng damit dumiretso ko sa office ni Daddy. 

Nagdadalawang isip parin ako. Kakatok na ba ko? Handa ba kong suwayin ang parents ko para kay Kath. Para sa taong mahal ko?

"Dad?" Kumatok na ko. Kung para kay Kath lang gagawin ko ang lahat. 

"DJ is that you? Do you need something?" Pagkapasok ko nakita ko si Daddy na hinihilot yung noo nia. "Spill it. Madami pa kong gagawin." 

Tumingin siya sakin. Binitawan niya muna yung mga hawak niyang documents. 

"Ahh--" Hindi ko alam. Pero natatakot ako ng hindi ko alam kung bakit. "Dad masakit po ulo niyo?" 

Hindi ko alam kung saan galing yung tanong nayon. Pero isa lang ang naiisip ko. Kinakabahan ako >____<

"Your here to check me if Im okay? Thats sweet of you anak. Im okay! You can leave now." Tumayo pa siya para pagbuksan ako ng pinto. 

Wala akong nagawa kundi humakbang patungo ng pinto. Narinig ko nalang ang pagsara ng pinto.

Dumiretso ko sa kwarto ko. Masyadong mahina yung loob ko.

Natulog nalang ako. 1hour na ang nakakalipas pero hindi parin ako makatulog. Kung ano anong posisyon na ang ginawa ko pero ayaw parin akong dalawin ng antok -______-

Bumaba nalang ako. Kukuha ako ng gatas, Sana naman effective. Habang umiinom ako biglang nagvibrate yung phone ko. GM lang pala. Hindi ko na siya binasa at clinick ko na yung Home.

Tumambad sakin yung wallpaper ko, Kami ni Kath. Nakangiti. Masaya. Walang problema.

"Sooo... she is the one bothering you?" Biglang litaw ni Dad sa likod ko. Nailapag ko tuloy yung phone ko sa counter at hinarap ko siya.

"Sorry Dad kung hindi ko siya napakilala sa inyo." Sabi ko tapos yumuko.

"You dont have to. Alam ko naman na hihiwalayan mo rin yun after how many months?" Tinanong niya ko. Ilang months na nga lang ba kong magsstay dito.

"Actually Dad hindi naman kami eh." Sabi ko tapos napatingin sa picture namin. Yung ngiti ni Kath, Nakakapanlakas ng loob. Nakakainlove. 

Stolen Kiss [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon