SK 21 - Friends.

1.4K 13 1
                                    

~Kath's POV

Anong magandang kulay ng scrapbook ? Hmm. Yellow ? Iba naman xD Ay ! Ito nalang. Rainbow colors para maiba XD 

Mukha akong tanga kinakausap ko sarili ko dito sa National Bookstore , Eh paano ngayon palang ako bibili. Mag-isa. Yung partner ko kasi pagkatapos namin magpicture ayon umalis na agad.

Alam ko namang medyo naging harsh ako , Okay ! Naging harsh talaga ko , Eh kasalanan ko pa ba yun ? -_________- Iniiwasan ko lang naman siya eh. K-k-kasi siya yung ---

"Oy ! Kath , Napakatagal pumili ?" Biglang sulpot naman nitong si Yanyan. Naghiwalay kasi kami ng pupuntahan. Siya sa book sale ako dito.  

Hinahanap niya yung She's Dating The Gangster. Adik siya don eh xD

"Ito na nga. Ikaw may nabili ka ba?" Tanong ko habang papunta kami ng Cashier.

Umiling lang naman siya. "Wala eh? Out of stock na daw." Sabi niya tapos nagpout , Minsan rin isip bata to eh -___-

"Sige bye ! Thanks sa pagsama , Ingat ka!" Sigaw ko kay Yanyan na nasa sasakyan na nila. Hinatid pa kasi nila ko dito sa bahay.

Pagkaalis nila pumasok na ko agad sa bahay at dumiretso sa kwarto ko. Dinikit ko na agad yung picture namin kanina don sa Second page nung scrapbook at nilagyan ng caption.

Scrapbook's 1st Picture :) 

Being happy doesn't always mean something great happened , It also means that we started to look beyond imperfections. Katulad sa picture na yan , Kahit galit ka sakin nakuha mo parin ngumiti. I mean nakuha parin NATING ngumiti :D

Pagkatapos kong magsulat non , inilagay ko na sa bag yung scrapbook kasi bukas si Dj naman yung magsusulat dito.

"Kaaath ! Kumain ka na munaaa !" Sigaw ni Mama sa baba.

"Opooo baba na."

Stolen Kiss [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon