Chapter Thirteen

3.1K 236 50
                                    

Masakit ang ulo niya paggising kinabukasan. Hindi siya nakatulog nang maayos! Damn River for saying that to her yesterday!

Ibabalik ko sa iyo kung ano ang ginawa mo sa akin.

Ha! It was his fault for using Magnus' mask that night. Isa pa, sumama ito sa kanya nang kusa papunta sa balkonahe noong gabi ng party. He said he hates her. Kung ayaw nito sa kanya, hindi ba dapat tumanggi ito sa imbitasyon niya? If only he declined and spouted some sarcastic remark, marahil ay baka nahalata pa niyang hindi nga ito si Magnus.

Napatingin siya sa naka lock na pintuan ng kanyang kwarto. She doesn't lock her doors. But after yesterday? She wouldn't take any chances.

Nagpakawala siya ng isang sarkastikong tawa sabay iling.

At kelan ka pa natakot sa Ilog na iyon ha, Thalya? Get a grip of yourself. He's just a man. Isang lalaking kaya mong ibalibag kapag pinagtanggakaan ka ng masama.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago dumiretso sa banyo upang maligo.

All that worrying made her hungry. Nagmadali siyang magbihis upang makapag breakfast na. Ngunit paglabas niya ay muntik na siyang matapilok ng bumungad sa kanya ang pawisang si River na maliban sa itim na sweatpants ay wala ng ibang suot habang nag pu-push up sa sala.

Awtomatiko ang paglunok niya. And before she could even stop her eye motors, she already found them travelling from his unruly hair down to his tanned, sinewy back that clenches and unclenches every time he pushes himself up and down the floor.

"Oh... fuck..."

"Ah..."

"Hm..."

The sounds coming out of his lips are quite bothering. Why is he grunting like that? Like he's having rough... sex?

"Had a good sleep?"

Ni hindi niya napansin na nakatayo na pala ito. Tagatak ang pawis nito sa mukha at katawan. Her throat bobbed up and down. She didn't know she was unconsiously biting her lip when he started wiping the sweat off his chest and abs. His sweatpants rode low on his hips showing her his prominent V-line.

Since when did his body look this... attractive?

"Pierce?"

Mabilis siyang nag-angat ng tingin nang marinig ang boses nito. Nang makita ang nakangisi nitong mukha ay agad siyang nag-iwas ng tingin.

"O-of course. Ahm. Anong ulam?"

"Corned beef and eggs."

"Okay." Dumiretso na siya sa kusina at minabuting magtimpla na lang ng kape. Kulang lang siguro siya sa tulog. Kung ano ano na ang pumapasok sa utak niya. Ha! Attractive my ass!

Nagsalin siya ng isang kutsarang kape sa tasa. Hindi na siya gagamit ng creamer. She needed a strong concontion to drive away this poison in her mind.

"Sugar..." She rummaged through the shelf. "Where is the sugar..."

"Here."

Nanigas siya ng maramdaman ang mainit at matigas nitong dibdib sa kanyang likuran. Base sa pagtama ng mainit nitong hininga sa kanyang tenga, she could conclude, he's too close for comfort.

Dahan dahan niyang pinakawalan ang pinipigilang hininga. Kinuha niya sa kamay nito ang jar at saka mabilis na pumihit paharap. "I could get it, you..." she trailed off when her breast brushed against his sweaty chest. "... know..."

Awang ang mga labing napatingin siya sa dibdib nilang magkalapat. Tila nawalan ng lakas ang katawan niya dahilan upang humulagpos sa kamay niya ang hawak na jar ng asukal. Good thing mabilis ang reflexes nito at nasalo nito iyon on time.

Comrades in Action: River Nuniez Book 8Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon