"Ipinadala dito ni Magnus ang mga kurtina. Anong gagamitin niyo ngayon? Wala akong naka-stock na kurtina diyan ngayon." Wika ni Cece sa kabilang linya.
"Hindi pa naman nakakaalis si Magnus diyan. Bigyan mo na lang siya ng extra mong kurtina. For sure you have many to spare."
"Meron naman. Anong kulay ba?"
"Pastel colors?"
"Light colors na pala ang gusto mo ngayon?" Natatawang tanong nito na ikinaikot ng mga mata niya.
"It's what Thalya wants."
Katahimikan ang pumailanlang sa kabilang linya.
Napamura siya ng malakas ng tumalsik sa kamay niya ang mantika mula sa pinipritong bacon.
"You're cooking?"
"Yeah..."
"For you and Thalya? She doesn't help you?"
"Siya ang naghuhugas ng mga pinggan. She also helps clean the house and do the laundry." Wala sa loob na sagot niya habang isinasalin sa pinggan ang nilutong bacon. "Now there's only the eggs. Well done for her and half cooked for me."
"Uh... River?"
"Yeah?"
"You do realize you sound like a perfect husband right now, don't you?"
"Perfect husband naman talaga ako sa mapapangasawa ko 'no? Swerte kaya niya sa akin." Nakangising sagot niya.
"No. What I mean is... you sound like a perfect husband to Thalya. Hearing you serve her breakfast like that?"
Doon siya natigilan. Nanlaki ang mga mata niya ng mapagtanto sa wakas ang sinasabi ng kaibigan.
"No! Of course not! Manginig ka nga sa mga pinagsasasabi mo!"
"And you're being defensive over a woman?" Cece chuckled.
"If the woman in question is Pierce? Who wouldn't be defensive?"
"But you have the hots on her."
"Ha! Sinong magkakagusto sa amasonang iyon?"
"Ikaw. I mean at least one time in your life you did have a crush on her. Remember the first time you saw her at the camp?"
Humigpit ang pagkakahawak niya sa sandok ng maalala ang mapait na nakaraan. Noong napasukan ng kabaliwan ang utak niya.
"That was before she showed me her true colors. It was just physical, Cece. Syempre, attracted talaga ako sa mga magaganda at seksi. Di ba?" Mabilis niyang rason.
Cece laughed which pissed the hell out of him.
"Maganda at seksi pa din naman si Thalya hanggang ngayon ah."
"And I realized I'm not that shallow. Nang malaman ko kung ano ang ugali ng babaeng iyon, nawalan na ako ng interes sa kanya."
"Ano bang masama kay Thalya? Well she's too competitive, independent and bossy. But if you'll see it in a positive light... those qualities aren't that bad..."
"You forgot to mention she hates me because apparently, she thought I'm a competion sa sinisinta niyang si Magnus." Sarkastiko niyang dagdag. "She thought I was gay, Cece! Would you believe that?!"
Ang malakas na halakhak ni Cece ang pumailanlang sa kabilang linya.
"Oh my god! She did?" Natatawa pa ding turan nito.
"Oo. Kulang pa ba ang mga babaeng naikama ko para patunayan sa babaeng iyon na hinding hindi ako papatol sa kapwa ko maton?"
"Oh my god! This is hilarious! Pero wala ka na ba talagang natitirang pagkagusto diyan kay Thalya? I mean, magkasama kayo sa iisang bahay. Sparks could fly anytime."
BINABASA MO ANG
Comrades in Action: River Nuniez Book 8
RomanceThalya Pierce is what you can call an extremely competitive, beautifully smart, attractively strong and fiercely independent woman. For River Nuniez, she's a whole lot of a complicated package. And if you know him well enough, he's not the type of...