(15v)
----------Well, about what he said pala when he texted me, nag-iinvite na lumabas.
Manood daw kami ng sine tapos kwentuhan.
Matagal akong nag-isip.
Actually, hindi naman sya ganon kaantipatiko. Siguro lang hindi ako intiresado sa kanya.
Si River lang kasi ang center of attention ko, while sya naman panggulo lang.
Alam nyo yon, pambasag trip ng pagmo-moment parati. Grrr!
Nagtext ulit sya "sumabog sana ang celphone mo."
Aba! Pucha talaga! Mukhang hindi pa din nagbabago ang bwisit!
Pag nakita ko talaga sya, masasapak ko ng two times!
But then, naisip ko, wala naman sigurong masama kung sasama ako sa kanyang lumabas. And para na din masapak ko kahit isa lang. Makaganti lang sa mga ginawa nya sa akin.
And also for the reason that I want to find out why ganun na lang ako pinag-iingat nila River when it comes to him.
Naikwento ko ba sa inyo guys kung bakit??
--flashback again--
Nagtaka ako kung bakit hinawi ni River ang kamay ko nung ipinakilala nya ako sa mga pinsan nya, mostly noong makikipag-shake hands iyong guy na nakahuli sa amin nong nagki-kiss kami. Correction pala, noong kini-kiss ako ni River coz FYI, i didn't response sa kiss nya nuh!
Pero nahiya pa din ako lalo na at nakatitig sa akin ngayon ang lecheng lalaking ito. Sino ba sya?! Nakakamatay ang mga tingin nya. But the hell i care kaya tumayo na ako at nagpaalam kay River pero hindi sya pumayag.
Nagdinner ako sa bahay nila and still andito pa din si.. arggg! I forgot to ask River kung sino ba itong mukhang barumbadong kasama namin dito sa taas.
Iyong ibang pinsan kasi nila ay nasa baba kumakain, kasabay ng lola nila.
Sabi ko nga kay River dun na rin lang kami sa baba kasi kanina pa nyang itinataboy pababa ang bwisit nyang pinsan na ito pero mas maangas pa kay Satanas kung sumagot-sagot sa kanya.
Hindi ko na lang pinansin ang presensya nya. Mawawalan lang ako ng apetite kumain kapag pinansin ko pa sya.
Nakatingin pa din sya sa akin. Ako naman ay kunwaring busy sa kinakain kahit simpleng Adobong baboy lang ang kinakain ko na tipong isusubo lang ee ginayat-gayat ko pa into small pieces para may poise kumain. Bwahaha.
"Tsss. Nagpapakahirap kumain." Anas ni Mr. Antipatiko. Hindi ko pa din kasi alam ang name nya. At wala akong balak alamin matapos nya akong bwisitin!
Si River naman ay walang imik lang habang sumusubo. Ganyan katamik kumain yan. And before pa sya kumain, nagsa-sign of the cross muna sya and saying grace for the food.
Naks! Nakaka-inlove talaga ang soon to be first serious boyfriend ko!
Inihatid ako ni River pauwi.
Everyday inihahatid-sundo ako ni River. Naaawa ako sa kanya pero ginusto nya yon ee, bahala sya!
Pero shempre, marunong din naman akong maka-appreciate ng effort nya kaya we decided na sa kanila na lang ako tutuloy. Umuupa ako sa kanila kaya wala akong utang na loob kung saka-sakali.
Dala ni River ang ilang damit ko diretso sa dating kwarto nya. Nagtaka nga ang mga pinsan nya pero dineadma ko lang.
"Dito na ba sya titira?" Si Movick ang bumasag sa curiousity ng magpipinsan.
BINABASA MO ANG
How can I not loved you (Tagalog)
Teen FictionAs of today, itong story na ito ang may leading viewer sa page ko na Xephruz Mini-Story.. ewan ko kung bakit. Siguro it's for you mga dude to find out :) Nainspire ako sa story na ito because curious ako with this guy. Uhum.. relate much na naman sa...