chapter 9: falling for his type actually

37 1 0
                                    

(7v)
----------
After nya ako ininvite na mag-date eh ito na naman sya. Yup! Date iyon para sa kanya. Baliw nga, sabi ko friendly date baka pwede pa.

Nakasandal sya sa pader malapit sa may pintuan ng unit ko. I don't know how long na syang agaantay sa labas ng unit and wala naman akong sinabi na antayin nya ako.

"Napapadalas yata ang pagtambay mo dito aa" pamamansin ko kay Mowee habang kala mo ay sya ang may ari ng room na ino-occupy ko dahil dire-diretso sa loob at humiga sa sofa.

"Walang tao sa bahay ee. Boring." Ganyan lang sya luminya, hindi kahabaan kahit ang haba-haba na ng mga sinabi ko.

Kaya deadma na lang ako.

Mahilig sya sa pagsagot na tipong iyon na dapat ang end ng conversation. And tipong wala ka ng next na maitatanong or maiduduksong pa.

Hindi kasi sya masyadong masalita. Madalas limitado ang mga saaabihin nya.

Depende pala pag si River na ang kaangilan(kabangga) o kadiskusyon nya.

Nagbihis na ako ng pangbahay.

Galing pa ako kina Calvin, birthday ng isa sa tropa kaya naman alas dos na ng hapon nagkatapos.

At naramdaman ko naman ang pagka-gutom.

Nagstart na akong magluto, sya naman ay nakataas lang ang paa sa center table at nanunuod ng t.v.

Napangiti ako. Actually, hindi naman sya nakakagulo sa unit. Mas okay nga para hindi ako ma-boring na kain tulog lang sa unit ko, tapos papasok na sa work.

Ganoon lang tumatakbo ang buhay ko after what happened to me. Simpleng-simple na kung minsan para na akong robot na may remote.

Medyo matagal akong nakapag-prepare ng dinner namin.. wait! Dinner ko lang dapat to aa, bakit namin?? And bakit ba andito ito lalaking 'to ngayon??

Sinulyapan ko si Mowee.

Ayan na ang sinasabi sa hula ee! Bagsak na ang bwisit!

Aba at balak pang dito makitulog.

Hinayaan ko na lang sya sa ganong position. Wala akong paki kung mangalay sya, paki ko ba sa kanya!

At mas lalong wala akong balak pahigain sya sa kama ko. Ano sya, naka-jackpot?! No way milkyway!

Kumain na ako dahil nagwewelga na ang mga bulate ko sa tyan. Kailangan kong mapreskuhan before ako matulog.

Nagshower na lang ako para mapreskohan naman ako dahil sa pakiramdam ko pero usok ako ng yosi.

Mamayang 11pm may work na naman ako. Tsss.. Zombie mode na naman.

"Maaga pa, naligo ka na agad?" Napalingon ako sa pinagmulan ng boses. Tss.. si Mowee gising na pala at ayun nilalantakan ang natira kong pagkain.

Actually di naman tiratirahan talaga yon, pinagtabi ko talaga sya ng ulam. Kahit bwisit pa man ako sa kanya ee may awa din naman ako. Alam ko gutom din sya.

Sya na yata ang mayamang patay-gutom. Ang dami-daming pera pero pag nakalantak ng kain akala mo may kaagaw parati. Bwahaha

Napansin ko na lang, Napapasaya ba ako ng takteng mayabang na ito?? Grabe! Hindi pwede. Si River pa din dapat.

Sya lang dapat dahil sya ang first kiss ko at first serious boyfriend.

Kahit ganto ako, naniniwala naman ako sa your first should be your last! Kaya dapat lang na wag akong matuwa sa bwisit na lalaking ito.

"Paki mo ba!" Pasigaw kong sagot.

Nagulat naman sya sabay taas ng dalawang kamay na sign na sumusuko na sya sa pagtataray ko.

How can I not loved you (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon