chapter 10: seeing his dark side

33 1 0
                                    

(6v)
----------
At dahil sa pagresponse ko sa kiss nya, ito si Mowee, na akala mo asaw ko kung makapapel sa buhay.

"How's work honey!" kala mo'y house husband kung maka-asta. Pero infairness, bagay sa kanya. Pwede na syang mag-asawa!

Ano bang pinagsasasabi ko! Erase-erase Snow! Brrrr... brrrrr!

"Oh bakit andito ka pa?" sarcastic kong tanong habang pabagsak sa kama na humiga.

Nasanay na aking halos araw-araw na ginawa ni God na nakikita ko ang pagmumukha nya.

Wala bang sariling bahay ito? Next time hihingan ko na ito ng pangbayad ng renta. Kapal pa nga ng mukha na dito nakikiligo at nakikitulog na din.

Pero inaraw-araw ko din namang supladahan, ipagtabuyan at sakatan sya, kaso walang epekto.

Kaya ano pa nga bang magagawa ko, kundi tanggapin na pinapasok ko na sya sa buhay kung magulo.

"Shempre, pagsisilbihan ko muna ang prinsesa ng buhay ko bago ako bumalik ng palasyo."

Whaaatttt?! Prinsesa ng buhay nya??
Binato ko nga ng unan and again bulls eye sa mukha!

"Eat before you go to sleep honey." at kiniss pa nya ako sa lips bago kinuha ang backpack nya at polo shirt. "I'll go ahead." at hinila na nya ang pinto para isara.

Nasanay na din ako sa mga halik nya na dati ay pinagtutulakan ko at pinandidirian.

Sino ba namang makakatanggi sa itsura ni Mowee. Gwapo sya. Sya nga ang pinaka-gwapo sa magpipinsan.

Pero hindi naman sa mukha ako tumitingin pag nagmamahal ako, kundi kung  paano nya ako mahalin at ipaglaban. Iyon ang pinakaimportante sa akin.

Natulog na muna ako. Mamaya na ako kakain. Kaylangan na ng katawan ko ang makapagpahinga.

Ops! Makapagpahinga ng sandali lang aa.. not forever! Ayaw ko pa ma-dead!

Nagising ako sa isang tawag sa cellphone, naka-vibrate ito na malapit sa may taenga ko kaya kaagad kong narinig at naramdaman.

Si Wine, tumatawag?? Bakit kaya?

Pero galit kaya ako sa kanya so bakit ko sya kakausapin? Go to hell jerk! Inis kong itinapon sa bandang baba ng kama ang phone ko.

I need a rest. So could he please give me that! Grrr!

Mga past 5pm na, nang magising ako. At nagulat ako sa biglang kumalampag sa doorstep ng unit ko.

Pupungas-pungas man at alam kung gulu-gulo pa ang buhok ko ay binuksan ko ang pinto at tumihaya ang lasing na si Mowee!

WTH! Anong problema ng lalaking ito? Anak naman ng tinapa.. bakit ngayon pa nagkaganito ito, ee may pasok ako sa work.

Trinay ko tawagan si Calvin..shoot! Ayaw pumayag ni manager na umabsent ako. Patay na ako.

Bakit ba kasi sa akin tumakbo ang lecheng lalaking ito. Tawagan ko kaya si Wine? Pero galit ako don aa.

Bahala na si Batman!

"Andito si Mowee. Pumunta ka dito sa unit, ASAP!" walang hello-hello na umpisa ko sabay hang up. Hindi ko na kaylangan antayin pa ang sagot nya.

Badtrip! Binaba ko ang ego ko para lang sa kapakanan ng lalaking ito. Leche!

Bakit ba ako concern sa kanya. Kung sya nga, walang pakialam sa buhay nya tapos ito ako, worried sa kanya.

Nagpakulo ako ng tubig. At pinunansan ng medyo maligamgam na basang bimpo ang katawan nya.

Hinubad ko ang polo shirt nya. Maging ang white sando para mapunasan ko ang katawan nya.

How can I not loved you (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon