𝘼𝙉𝙂 𝙐𝙉𝘼𝙉𝙂 𝙋𝘼𝙂𝙇𝘼𝙇𝘼𝙆𝘽𝘼𝙔
Isang araw si Demeter ay naglalakbay sa isang madilim at nakakatakot na kagubatan. Makikita at ramdam mong meron itong nagkukubli na katakutan. Siya ay tuwid sa kanyang paglalakad ng maisip niyang baka may mga mababangis na hayop o masamang elemento ang nakatago sa kagubatang ito. At kahit ganun man ang kanyang iniisip ay matapang niya paring tinahak ang madilim at nakakatakot na kagubatan, kahit Ito ay mapanganib. Sa kabila ng kanyang paglalakad ay may naramdaman siyang kakaiba sa kanyang likuran. Dahan-dahan niya itong nilingon ng makita niya ang isang naka maskara, matangkad at natitiyak niya na isa yung lalaki. Nang makita niya ito ay dali-dali siyang tumakbo hawak ang kanyang ispada at isang pananggalang. Sa kabila ng kanyang pagtakbo ay bigla nalang napahinto si Demeter ng biglang magsalita ang lalaking nakamaskara. Tinanong ng lalaking nakamaskara ang dyosa na si Demeter kung bakit ito dali-daling tumakbo nang makita siya nito. Ang dyosa ay tahimik lamang at para bang takot at nabigla ito sa pangyayari. Ilang oras na kinausap ng lalaking nakamaskara ang dyosa upang mabawasan ang takot at pagkabiglang nararamdaman nito. At sa sandaling yun ay napukaw niya ang loob ng dyosa na kanina pang hindi nagsasalita, marahil ito ay takot at nabigla sa pangyayari. At nang tumingin si Demeter sa gawi ng lalaking nakamaskara ay bigla nalang itong napaluha dahilan para lapitan siya ng lalaking nakamaskara. Humingi naman ng tawad ang nakamaskara, dahil hindi niya akalain na matatakot o mabigla ang dyosa. Pagkatapos niyang humingi ng kapatawaran ay agad naman itong tinanggap ng dyosa, at ito ay tumahan na sa kanyang pag-iyak.