𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 𝟑

3 1 0
                                    

𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆 𝐏𝐀𝐏𝐀𝐆𝐀𝐌𝐎𝐓 𝐊𝐀𝐘 𝐃𝐄𝐌𝐄𝐓𝐄𝐑

Ilang oras ang lumipas bago sila makarating sa isang bayan kung saan ipapagamot ng nakamaskarang lalaki si Demeter. Nang makarating sila ay agad itong dinala ng nakamaskara si Demeter sa pagamutan upang masuri kung ito ay may natatamong sugat o kaya'y nanghina ito dahil sa pagod sa pakikipaglaban sa hayop na mabangis. Mga ilang oras na naghintay ang lalaking nakamaskara na magising ang dyosa. Nakokonsensya ito dahil hindi man lang niya natulungan kanina ang dyosa sa pag puksa sa mabangis na hayop na iyon. Gusto niyang humingi ng tawad sa dyosa nang bigla nalang itong nagising at nagtanong kung naasan siya dinala nito. At sinabi ng lalaking nakamaskara na dinala niya ito sa pagamutan dahil bigla nalang itong nahimatay. Pagkatapos ay humingi na ng kapatawaran ang lalaki sa dyosa ng siyang ikinagulat nito. Agad namang sinabi ng dyosa na wala itong kasalanan at kung meron man ay napatawad niya na ito. Nagpasalamat ang lalaki sa sinabi ng dyosa at pag tanggap nito sa kanyang kapatawaran. Ipinagpahinga muna ng lalaki ang dyosa para maka ipon ito ng sapat na lakas dahil ipagpapatuloy pa nila ang paglalakbay patungo sa kaharian ng mga diyos at dyosa. Lumipas ang isang araw na pagpapahinga ng dyosa ay mabilis nagsumbalik ang kanyang lakas. Agad na namalayan ng lalaki ang dyosa na ito'y gising na. Dali-daling naghanda ng makakain ang lalaki para ito'y kainin at baunin sa muli nilang paglalakbay. Binigyan niya ng pagkain ang dyosa para kainin at para hindi ito gutumin sa kanilang paglalakbay. At agad naman itong kinuha ng dyosa at agad itong kinain na para bang gutom na gutom, nang siyang ikinatawa ng mahina ng lalaki at hindi na lamang ito pinansin ang lalaki. Ng matapos ang dalawa sa pagkain ay agad itong dumiretso sa may ari at agad na nagpaalam na sila'y aalis na, at nagpasalamat rin ang dalawa. Nang matapos na silang magpaalam ay hindi sila nagdadalawang isip na ipagpatuloy ang kanilang paglalakbay.

𝘼𝙉𝙂 𝙋𝘼𝙂𝙈𝘼𝙈𝘼𝙃𝘼𝙇𝘼𝙉 𝙉𝙄𝙉𝘼 𝘿𝙀𝙈𝙀𝙏𝙀𝙍 𝘼𝙏 𝘼𝙋𝙊𝙇𝙇𝙊Where stories live. Discover now