𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 𝟐

5 1 0
                                    

𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐊𝐈𝐊𝐈𝐏𝐀𝐆𝐋𝐀𝐁𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐁𝐀𝐍𝐆𝐈𝐒 𝐍𝐀 𝐇𝐀𝐘𝐎𝐏

Agad tumayo si Demeter upang ipagpatuloy ang paglalakbay, ngunit laking gulat nya nang sinabayan siya ng lalaking nakamaskara upang matiyak na ligtas ang dyosa at para ipagpatuloy na rin ang paglalakbay. Dahil alam na alam na ng nakamaskara na maraming mababangis na hayop ang naninirahan at nakatago sa kagubatang ito. Tahimik na naglalakad ang dyosa na si Demeter at ang lalaking nakamaskara nang biglang may humarang na isang malaki at mabangis na hayop. Sinabihan ng lalaking nakamaskara si Demeter na ito'y magtago sa kanyang likuran, ngunit hindi ito sinunod ng dyosa. Agad na inilabas ng dyosa ang kanyang ispada at isang pananggalang, at nagulat nalang ang lalaking nakamaskara nang bigla nalang ito nag iba ang wangis ng kasuotan ng dyosa. At namangha siya dahil kani-kanina lang ito ay takot na takot ngunit ngayon ang dyosa ay sobrang tapang. Hindi niya mapigilang mamangha at matulala sa ginawa ng dyosa sa hayop na humarang sa kanila. Hindi niya akalain na ganun pala kalakas ang dyosa, at hindi siya makapaniwala na meron itong tinatagong kapangyarihan. Nang mapaslang na ni Demeter ang hayop ay bigla nalang itong nang hina at natumba na ikinagulat ng lalaking nakamaskara. Dali-daling binuhat ng nakamaskara si Demeter, pagod man ay kinaya niya paring buhatin ang dyosa.

𝘼𝙉𝙂 𝙋𝘼𝙂𝙈𝘼𝙈𝘼𝙃𝘼𝙇𝘼𝙉 𝙉𝙄𝙉𝘼 𝘿𝙀𝙈𝙀𝙏𝙀𝙍 𝘼𝙏 𝘼𝙋𝙊𝙇𝙇𝙊Where stories live. Discover now