𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 5

1 1 0
                                    

𝐀𝐍𝐆 𝐇𝐈𝐍𝐃𝐈 𝐏𝐀𝐆𝐓𝐔𝐋𝐎𝐘 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆-𝐀𝐌𝐈𝐍

Lumipas ang isang linggo ay naisipan ni Demeter na magtapat sa kanyang nararamdaman para kay Apollo. Ngunit naisip niya din kung baka siya ay mabigo. Agad na naalala ni Demeter ang sakit noong una siyang nagtapat ng nararamdaman sa lalaking unang iniibig, dahil nang si Demeter ay nagtapat siya ay nabigo at sinabi ng lalaki na iba ang kanyang iniibig at hindi si Demeter. Ng dahil sa naalala napagpasyahan niyang hindi itutuloy ang pag-amin sa nararamdaman para kang Apollo. Bumangon si Demeter sa kanyang kama at akmang lalabas ng merong nagsalita na ikinagulat niya,ngunit mas nagulat si Demeter ng makita niya si Apollo na nakaupo sa silya ng may lamisa na para bang hinihintay siya nitong bumangon. Agad naman na niyaya ni Apollo si demeter na sabay silang kumain,at agad naman umupo si Demeter sa sila upang kumain. Hindi makakain ng maayus si Demeter dahil batid niyang tinititigan siya ni Apollo, ng nasyempohan niya itong nakatitig ay agad itong nag iwas ng tingin ngunit tinanung ni Demeter kung bakit siya nito tinitigan. Nagulat nalang si Demeter nang sinabi ni Apollo na dahil ang gandang pagmasdan ang iyong mukha kaya niya ito tinitigan. Halata sa mukha ni Demeter ang kilig na nararamdaman.

𝘼𝙉𝙂 𝙋𝘼𝙂𝙈𝘼𝙈𝘼𝙃𝘼𝙇𝘼𝙉 𝙉𝙄𝙉𝘼 𝘿𝙀𝙈𝙀𝙏𝙀𝙍 𝘼𝙏 𝘼𝙋𝙊𝙇𝙇𝙊Where stories live. Discover now