Chapter 13: Destiny

55 6 0
                                    




Destiny, Ralph and I have fallen into our routine and I started to feel like myself again.

I don't wake up crying anymore.

The truth was, I got used to seeing her lying beside me when I wake up in the morning.

She smiles even in her sleep.

Hindi na siguro mababago iyon kasi she was born that way.

Maayos at lagi ding malinis ang bahay.

Unlike before na the only time na naglilinis ako was when the dust start to bother me, ngayon I often come home to a house that smelled of sweet cinnamon.

Lagi ding may pagkain.

Kahit busy si Destiny sa bago niyang trabaho, I always come home to find dinner ready.

Kung wala siya sa bahay, lagi siyang nagtetext to let me know na may food sa fridge.

Nasasanay na ako sa kanya.

Temporary lang ang set up namin at kapag naiisip ko na anytime puwede siyang umalis, I feel lonely.

It wasn't only because ako na naman ulit mag-isa but also because I don't think I see her in the same way.

Kung dati, our arrangement was clear na what we have was purely physical, I don't think it no longer applies.

At least hindi na ganoon ang nararamdaman ko.

Naiinlove na ako sa kanya.

I try to deny it pero niloloko ko lang ang sarili ko.

"Sabi ko na nga ba eh?" Nakaupo kami ni Brenda sa picnic area during lunch.

Nasabi ko sa kanya ang tungkol sa nararamdaman ko.

"Hindi magtatagal ang ganyang arrangement kasi meron talagang maiinlove." Sumubo siya ng salad habang kinakain ko naman ang leftover roast beef with mashed potatoes na pinabaon sa akin ni Destiny.

"What if she doesn't feel the same way about me? Baka mamaya magsabi ako tapos di naman pala mutual. Sayang ang foundation nang relationship namin."

"Alin? Ang mga sexcapades ninyo?"

"Sira. Di lang iyon. We are closer than ever." I told her about Liam.

"Natatakot ka ba na makipagbalikan si Destiny sa ex niya?"
"I don't know what I feel. Siguro. Oo. Ewan ko."

"Bago ka maunahan ni Liam, magsabi ka na kay Destiny. Tutal magkasama naman kayo sa bahay eh. May home court advantage ka."

"Sana nga ganoon lang kadali. Pero nag-aalangan ako kasi nandoon ang fear na baka isipin niya na I'm taking advantage of the situation."

"Bakit? Iyan ba ang ginagawa mo?"

"Hindi. Kaso, parang mali."

"Hay naku, Jack. Baka dumating ang oras na mawala na lang siya sa'yo. Ikaw din."

Destiny got a call from Liam one day.

Nasa bahay kami at nanonood nang movie when her phone rang.

Hindi niya nakilala ang number kaya hindi niya sinagot.

Pero tumawag ulit.

Nayamot siya kasi ang kulit daw.

"Why don't you block it?" Kinuha ko ang remote at pinause ang pinanood naming horror movie.

"That's a good idea."

Bago niya mablock ang number, may pumasok na text.

"The hell." Nagtatakang binasa niya ang message.

Jack & DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon