Chapter 2: Jesse

105 7 0
                                    







May lottery fund sa work.

Meron din kaming sariling lottery fund ni Brenda.

Noong una, ayokong sumali.

Hindi kasi ako masuwerte sa mga ganyan.

Pati nga sa mga raffle ay bihira akong manalo.

Kapag company Christmas party, isa ako sa umuuwing empty handed.

Pero kinumbinsi niya ako.

Think of it as being part of the team daw.

A team that costs me five dollars a week.

Ang selling pitch niya ay kung manalo daw ang buong opisina at hindi ako kasali, ako lang ang maiiwan mag-isa habang sila ay mga milyonaryo na.

Gusto ko daw bang mangyari iyon?

Siyempre hindi.

Kahit alam ko na ang chances of winning were slim, pinagbigyan ko na siya.

Sumali ako hindi dahil ayokong maiwan sa office habang lahat sila ay nage-enjoy nang prize money kundi dahil ang kulit niya.

Wala talaga akong luck pagdating sa game of chance.

Kapareho din na hindi ako masuwerte when it comes to love.

Before I met Kate, three years akong single.

My last relationship was long distance.

I met Jesse online and we hit it off right away kahit pa she was younger than I am.

Five years lang naman but still.

Estudyante siya sa University Of Toronto.

I was already working for the city of Calgary.

Dahil mutual ang attraction namin at kahit wala kaming idea kung paano inavigate ang distance, we decided to give it a try.

One month pa lang kaming magkakilala noon.

Sinabi ko sa sarili ko na wala namang mawawala kung susubukan ko.

At least that's what I thought at the time.

The plan was for me to move to Toronto once she graduates.

Mas marami daw work opportunities doon.

That's what she told me.

I wasn't so sure about that but since I'm already risking, why not do it all the way di ba?

Kapag may work na daw kasi siya, she will finally be able to move out of her parents house.

Dahil may mga skills naman daw ako, she was sure na hindi ako mahihirapan maghanap nang trabaho.

I visited her three times.

Nakapunta na din siya sa Calgary during summer breaks.

I took her to the mountains.

Customary na yata ito dahil lots of people want to see Banff or Jasper and of course, Lake Louise.

Jesse was young and vibrant.

Very bubbly ang personality as opposed to mine na medyo reserved.

She made my head and my heart spin.

I was so nervous the first time we agreed to meet.

Natakot ako na baka limited ang chemistry namin sa mga virtual conversations.

What if hindi pala kami magkasundo sa personal?
Paano na?
I even backed out of buying the plane ticket.

Sayang naman kasi.

Jack & DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon