Chapter 17: Kate

70 7 0
                                        




"Kumusta na si Destiny?"

Nasa kitchen kami ni Brenda isang umaga at nagtitimpla siya ng kape bago magstart ang duty namin.

"Hayun. Depressed. Di nga muna siya nagdedeliver kasi baka daw madisgrasya siya habang nagbibiyahe."

"Nakakabigla naman kasi ang nangyari sa lola niya di ba? Nakarecover sa COVID-19 pero hindi nakaligtas sa breast cancer." Humigop siya bago tumabi sa kinauupuan ko sa tapat nang bintana.

Maulan nang umagang iyon kaya hindi kami makatambay sa labas.

"Ang buhay nga naman. Hindi mo alam kung kelan ka kukunin ni Lord." Isang mahabang buntong-hininga ang pinakawalan niya.

"Naghahanap na ba siya ng malilipatan?"

"Oo pero sinabi ko sa kanya na huwag magmadali. Alam mo na. Kamamatay lang nang lola niya. Kung hindi pa niya kaya mag-isa, eh di sa bahay muna siya mag-stay."

"Ang sabihin mo, mamimiss mo siya kapag iniwan ka niya."

"Kasama na rin iyon pero hindi ko naman siya mapipigil kung gusto niyang bumukod. Temporary lang ang arrangement namin. Isa pa, hindi naman kami."

"Alam ba niya na inlove ka sa kanya?"

Umiling ako.

Kinuwento ko sa kanya ang nangyari ng sumama ako sa Saskatoon.

"Talaga? Sinabi iyon nang pinsan niya?"

"Oo. Hindi man niya ako diniretso pero obvious naman na tutol siya. Her exact words were, Destiny needed something good and right in her life."

"Bakit? Is there something bad and wrong with you?" Tumaas ang manipis na kilay niya.

"Ewan ko sa kanya. Kaya nga I felt so low and out of place the whole time na nandoon ako. Oo nga at may reason to feel depressed dahil sa nangyari kay Grandma Lucy pero lalong nasira ang mood ko dahil sa sinabi ni Annie."

"Alam ba ni Destiny ang nangyari?"

"Hindi ko sinabi. Ayokong dagdagan ang isipin niya. Sobrang lungkot niya na. Isa pa, baka mag-away lang silang dalawa."

"Sino daw iyong Chloe?"

"Hindi ko alam. Sabi ni Annie, tanungin ko si Destiny. Kahit curious akong malaman, para ano pa di ba?"

"Di kaya may relasyon sila ni Destiny?"

"Ewan ko pero sa tono ng pananalita ni Annie, siguro may hindi magandang nangyari sa kanila ni Destiny. Kasi bakit niya naman babanggitin ang tungkol kay Chloe di ba? It's none of my business anyway."

"O baka naman may gusto si Chloe kay Destiny tapos nireject niya?"

"Wala talaga akong ideya. Sa tagal nang pagkakakilala namin ni Destiny, ni minsan wala siyang naikuwento tungkol diyan."
"Eh kumusta naman sila ni Liam?"

"They've reconnected daw during the funeral. It was around the same time na pinagsabihan ako ni Annie."

"Ibig sabihin sila na ulit?"

"Hindi naman daw. Ayaw niya daw magmadali. Matagal silang naghiwalay at walang communication. Kung nangyari daw ito noong bagong break pa lang sila, baka tinanggap niya ito ng walang tanong-tanong. Pero narealize niya daw na nagbago na siya. Hindi na daw siya iyong sixteen years old na head over heels in love kay Liam. Mas mature na daw siya at parang nabuksan ang mga mata niya."

"Tungkol saan naman?"

"Kung dati daw kasi eh perfect ito para sa kanya, ngayon may nagbago na."

"Tulad nang ano?"

Jack & DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon