Dahlia Madrigal
Nagtakip ako ng ilong gamit ang panyo dahil sa binugang usok ng jeep na binabaan ko.
I glanced at my wrist watch and realized that I'm almost late to my first class in our first day of school.
Natanaw ko na ang gate ng magarbong unibersidad na pinag-aaralan ko. Mabilis ko namang hinanap at tinakbo ang palapag ng aking classroom.
There's a lot of students roaming around. Some of them are alone, confused and seems lost. The rest are laughing and greeting each other, probably knew each other before.
I remember my first day here. I probably looked like a lost stray puppy. Kahit na itinuro naman na ni Kuya ang department namin ay litong-lito pa rin ako.
I thought I'll never survive to this university but look at me now, I survived a year.
Tama talaga ang desisyon 'kong tumuloy rito kahit nagaalinlangan ang pamilya ko.
Mabilis kong binuksan ang pintuan ng classroom. Typical na magulo at maingay.
"Dahlia! Oh my! You're here na!" I immediately saw Peggy walking towards me.
She's rocking her high-waisted pastel skirt and shirt with her boots. In addition to that is her makeup and red lips.
Same old, pretty Peggy.
"Hindi pa 'ko late," Bulong ko.
She laughed loudly. She scanned me from head to foot and smiled sweetly.
"Jeans and blouse but you're still gorgeous! How unfair!"
Taliwas ang suot ko sa pormahan niya. Fitted jeans and halter top blouse ay ayos na sa akin, pormal naman akong tingnan. Sanay din akong suotin ang ganitong mga damit.
Peggy is my first friend here. Last year ay transferred ako rito dahil nakakuha ako ng scholarship galing sa probinsya namin. Luckily, I survived my whole first year with Peggy.
Siya ang naging sandalan at takbuhan ko rito sa Maynila. Kahit na magkaiba ang estado ng buhay namin ay hindi niya ako itinuturing na hindi niya ka-level gaya ng ibang mayayaman.
Iginiya niya ako sa table niya para tabi kami. May ilang bagong classmate at ang mga dati naman ay bumati.
"Dahlia, fresh pa sa umaga."
"Mas lalo lang gumanda! Prayer reveal naman!"
"Wish ko talagang same block pa rin kami ni Dahlia ngayong second year. Dreams do come true!" Isang malakas na sigaw galing sa likuran.
Marami ang natawa sa sinabi ni Apostol. Alam ng buong klase kung gaano bumuntot sa akin si Apostol noong isang taon.
Sumubok itong manligaw. He's sporting the short undercut style, he's also tall and masculine. Siguro'y dahil na rin sa hilig nito sa sports.
He's very kind to me but that's all. Kaibigan lang ang turing ko sa kanya.
Look, we're friends now. Actually, we're very close to each other.
"Bolero ka pa rin, Apostol." Sagot ko rito. Kumindat siya at umupo sa tabi ko.
"My god, Apostol! Don't you know other things than bugging Dahlia?" Reklamo ni Peggy.
Nginitian ko pa ang ilang kaklaseng nakatingin sa akin. Luminga ako para hanapin pa ang isang kaibigan na si Jake Sebastian ngunit wala pa ang isang 'yon.
"I'm here for Dahlia and she's letting me. Little advice, 'wag pakielamera." Balik na pang-aasar sa kanya ni Apostol.
At nagsimula na ang dalawa. Lagi silang ganito, minsan hindi ko rin alam kung bakit ko natitiis ang dalawang 'to.