Following
Binilang ko ang bugdet ko para sa buwang ito. Marami pa naman 'yon dahil sa nakalipas na isang linggo ay dalawang libo lang ang nagastos ko.
Ibinalik ko na 'to sa wallet and dinouble check kung nandoon pa ang atm card ko. Inayos ni Kuya 'yon dati bago siya umalis para raw duon na niya ako padalhan.
I'm really saving a lot this month because I need to buy books for this semester. Plano kong sa baon ko na lang kuhanin ang pambili ng ibang mga libro.
Our two morning class is over and I'm exhausted already. After this lunch ay may one hour vacant naman kami before proceeding to our afternoon class.
"May bibilhin lang ako sa mall. Saglit lang ako then babalik agad. Sure kang you won't come?" Tanong ni Peggy habang naglalakad kami palabas ng building.
"Hindi na. Pagod ako e, baka sa library na lang muna ako."
Totoo. Madalas maraming tumatambay sa university library hindi para magbasa kundi para na rin matulog. Tahimik duon at malamig pa.
But in my case, I won't sleep. I'm going to read some topics related to our next subject. Medyo kinakabahan kasi ako dahil nahihirapan ako sa Business Tax.
I don't really like numbers but I'm enjoying to compute especially when I understood the process.
I took this course mainly because of my brother. My plan was to fly in Australia too. Malaki rin kasi ang sweldo roon.
Kaya naman tiyaga at tiis lang talaga.
"Samahan ko lang si Dahlia. Ihahatid ka naman si Apostol, hinihintay ka na sa parking." Anunsyo ni Jake.
Apostol and Jake are friends too. Parang kami lang ni Peggy. At dahil nga laging nakasunod si Apostol sa akin last year ang naging malapit kaming apat.
"Sa univ library na lang kami. Hintayin namin kayo doon?" I asked.
Peggy nodded. "Okay. Saglit lang ako. Text me kapag maagang dumating si Mrs. Blaire ha!"
Nangiti ako. Mrs. Blaire is more like a terror professor.
"Oo. Tatawagan pa kita. Ingat kayo ah," Paalam namin.
Dumiretso kami ni Jake sa university library. It's design looks old and vintage outside pero it's kind of modern inside.
We took our I.D. in the scanner and proceed to the left wing. Nandon kasi kadalasan ang mga libro ng related sa accounting and business. Sa second floor ang mga related sa history, politics, medicine and many more.
I slightly scanned the whole area. Medyo maraming nagbabasa samantalang ang iba ay kalat kalat ang gamit. Probably architecture or engineering students.
"Dito ba ang lessons natin?"
May ipinakita sa aking libro si Jake. Transfer and Business Taxation. Kinuha ko iyon habang yumuko siya sa gilid ko upang tingnan din.
"I'm not sure. Pero mukhang ito nga,"
We're both scrolling through the pages and trying to recall some objectives that we remember last year.
Jake kept asking me some questions about familiar words while writing down some notes. Minsan ay hindi ko siya naman nasasagot dahil hindi ko rin alam.
Habang tahimik si Jake na nagsusulat sa gilid ko ay sumandal ako sa upuan at bahagyang tumitig sa paligid.
Ang buhok ko ay hinayaan kong nakabagsak ngayong araw.
Exactly the moment I glanced at the scanner area, I saw a group of PolSci students. If I'm not mistaken, nasa anim sila. Mabilis kong binilang.
Marami rin ang nagtapon ng tingin sa kanila. Ang iba'y namamangha pa.