Like
From: Kuya
I'm fine here. My work is tiring though but don't worry. Ang isipin mo d'yan ay ang pag-aaral mo. I'll call you when I'm free. It's Tuesday tomorrow, sleep early. Love you.
I woke up with Kuya's message, nakatulugan ko pala ito kagabi.
Maaga akong nag-ayos dahil orientation daw ngayon at required kaming umattend dahil sa attendance. Sa auditorium hall 'yon gaganapin, buti na lang at hindi mainit duon dahil airconditioned.
I've decided to wear black slacks and white longsleeve. My chosen course is accountancy so it is always the formal dress code in our building. The distribution of uniform is still next month.
Huminto ako sa shoe rack. Nang ihatid ako nina Tito Darwin ay apat na sapatos ang dala ko. Two black shoes, one with pumps and the other one is flat, one strap sandals and my Jojo Bragais heels.
Kinuha ko iyon at pinagmasdan. Mukha pa itong bago kahit 2 years ago na since niregalo ni Kuya. Ito madalas ang ginagamit ko kapag may pageant sa bayan namin. Sa huli ay pinili kong suotin ang black pumps.
Before leaving, I put some makeup, brush my eyebrows and apply nude lipstick. Sanay akong nilalagyan ang sarili nito. I tied my high in a high-ponytail style.
Nagtext sa akin si Peggy kung saang banda siya sa hall, nauna na kasi ito. Maraming nagtatapon ng tingin sa akin, mga mukhang hindi pamilyar sa paningin ko. Siguro'y taga ibang college at year level.
"Hey, pretty!"
Nalingon ako sa tumawag.
Si Alvin iyon at may iilang kasama, lumapit muna ako sa kanya bago hanapin si Peggy.
He hugged me right away when I made my stride towards him. I smiled and hugged him back.
Tinapunan niya ako ng makahulugang tingin.
Alvin is very open. He's proud member of LGBTQ. I can tell that, he's very fond of me.
I guess?
Dati kasi ay lagi niya akong inaayusan, kung hindi makeup and inaayos naman ang mahaba kong buhok. He's also very supportive when I represent our department during intramurals.
"Good morning, Alvin. Blooming tayo ah," Masigla kong bati sa kanya.
Maarte niya akong hinampas pero mahina lang 'yon. Hinila niya ako malapit sa siguro'y mga bago niyang kaklase sa ibang block.
"Here na guys, our pambato oh...tadaaa!" Nalukot ang mukha ko.
Ano ba naman ito?
May iba pang nagpalakpakan at nagpakilala sa akin. Ang iba'y kinantyaw pa sa likod.
"Hello, Dahlia. Ang ganda mo pala ng malapitan." Saad ng isang babaeng maikli ang buhok.
Ngumiti ako. "Salamat. Ikaw din."
"Gerald nga pala, good boy and loyal," Inilahad ng isa ang kanyang kamay.
He's wearing maroon longsleeve with no necktie. His friend cheered for him.
Hinampas ni Alvin ang kamay nung Gerald kaya mas lalo siyang inasar.
"No touching. Sino ka sa tingin mo?" Mataray nitong asik. Marahan ko namang hinila at binulungan.
"Okay lang,"
Natawa lang ako at umiling. Naramdaman kong nag-vibrate ulit ang hawak kong cellphone kaya nagpaalam na 'ko kay Alvin.
"Una na 'ko, Alvin. Hinahanap na ako ni Peggy,"
"Ang bruhang 'yon! Nakita ko kanina, nasa kabilang side sa taas..."
