Kabanata 4

9 0 0
                                    

Shiny

"Madrigal, Dahlia."

Mabilis akong lumapit sa registrar ng tawagin na ang pangalan ko. Iniabot niya ang mga libro at ang resibo.

"Thank you po,"

Itinago ko muna ang resibo sa loob ng wallet ko bago tumuloy sa labas. Shoulder bag with strap ang gamit kong bag kaya hindi kasya ang libro kay dala-dala ko lang ang mga ito.

"Three books lang? What about the other two?" Bungad ni Peggy ng nakalabas ako.

Naghihintay siya rito sa akin sa labas. Kanina pa kasi kami dismissal.

"Okay na 'to. Yung lumang book na lang ni Kuya ang gagamitin ko. Dala ko naman 'yong dalawa."

Nag-aya siyang kumain sa malapit na cafe, ayoko na sana pero mapilit si Peggy at ililibre niya raw ako kaya pumayag naman ako.

The cafe is cozy with warm light. It suits the afternoon orange skies.

Sa gilid kami nakaupo at medyo marami ang iba pang student na taga-school din ang naroon. Siguro'y tumatambay lang.

"What flavor do you want?" Peggy asked while looking at the menu.

"Espresso na lang. Parang gusto ko ng mainit."

Tumango siya at nag-order na.

Medyo maginaw kasi ngayon. It's always raining these past few days, may low pressure area raw kasi.

I hugged myself while waiting. Si Peggy ay may nakitang mga kaibigan sa kabilang table kaya nagpaalam muna.

I'm noticing some gazes towards me. I slowly averted my eyes in front of me and saw a group of men looking.

My eyebrows furrowed.

Itinuon ko na lang ang pansin sa mga librong binili. I just examine the books instead.

After a few minutes, I just decided to browse through my phone. Binasa ko rin ang message na galing kay Mama.

From: Mama

Sige. Maayos pa ba dating libro ng Kuya mo? Sigurado kang magagamit mo 'yon? Pwede mo naman anak bilhin lahat.

I told her that I only bought three books. Mahigit isang libro rin kasi kapag binili ko 'yong dalawa. Marami pa naman ang budget ko kaya lang mas okay ng 'wag gastahin.

To: Mama

Ayos lang po, Ma. Buo pa naman po yung book ni Kuya eh, ayos na 'yon. Bibili naman po ako kapag kailangang-kailangan.

Tiningnan ko ang Facebook ko at nakita ang nasa dalawang daang friend request. Kakabisita ko lang nito nung nakaraan ah, meron nanaman? Hindi ko na lang pinansin at dumiretso naman sa Instagram.

I'm active here in IG. I guess I like it more because its kind of quiet here. My followers and followings are those people who I knew personally. I only have 18 post since I started using this social media.

My post mostly is from my pageants and my Papa. Hilig kong i-post si Papa lalo na kapag nakukuhanan ko siyang nakangiti.

I turned off my phone when Peggy sat in front of me. Kinuha niya ang isang libro ng Fundamentals of Accounting and Reporting.

"Just looking at it makes me want to sleep na lang," Reklamo niya.

"Bakit kasi accounting kinuha mo? Ayaw mo naman pala."

Madalas niyang nababanggit na ayaw niya talaga ito kaya lang ay ito raw ang gusto ng parents niya. They have a flower shop business since her mother is a florist from New Zealand.

The ProdigyWhere stories live. Discover now