Ride
@kaisaacromualdez liked your post.
Iyon ang bumungad sa akin ng buhayin ko ang cellphone at isang missed call kay Mama.
I urgently call Mama before checking those notifications.
"Your Papa's colleague visited him. Hinahanap kayo ng Kuya mo, ang sabi ko ay nag-aaral ka d'yan sa Maynila."
"Sino pong kaibigan ni Papa?"
Habang hawak sa isang tainga ang cellphone ay nagsimula ako magsaing. I just got home. It's already six in the evening.
"Your Tito Craig and Tita Amanda. Naalala mo sila?"
Tito Craig is Papa's good friend. Lagi n'ya kaming binibigyan ng regalo. Even when Papa is admitted to the hospital, he always visited him. Ganoon din kabait ang asawa niya.
"Ang sabi ni Amanda ay baka lumuwas sila at baka mabisita ka. Binigay ko ang number mo."
Iyon lang ang itinawag ni Mama at kaunting mga paalala kaya saglit lang.
Mabilis ko namang tiningnan ang notification. He liked my third post! That's my candid photo during my Miss La Puergo crowning moment!
I was smiling profoundly while holding a bouquet and wearing a small crown.
Nakarating siya sa picture ko na 'yon? That was two years ago!
What a stalker.
Hindi ko tuloy alam ang mararamdaman ko. Ano ba ang trip nito? Bakit sobra siya magparamdam sa akin ngayon?
Matutuwa na ba ako dahil pinagtutuonan niya ako ng pansin?
Ang daming tanong na tumakbo sa isipan ko kaya sa huli ay hindi ko na lang pinagtuonan ng pansin.
When Friday finally came, the morning is so cozy that it's so hard to get up from the bed.
I wore my usual slacks. Isa na lang pala 'to dahil hindi pa nalalabhan. Dalawang skirt na lang ang extra ko.
I did my usual routine look and decided not to put some makeup today.
"Magbihis na kaya tayo?" Peggy suggested.
Naghihintay kami ngayon dito sa classroom. Ang instructor namin para sa subject na 'to ay hindi pumasok and next class ang P.E. namin.
"Mamaya na. Maaga pa," Tamad kong sagot.
Inaayos ko kasi ang mga highlighter ko dahil abot ang hiram nina Jake and Apostol kaya binibilang ko kung may nagkulang ba.
"Thanks to our supplier!"
"Hindi man lang ayusin, Jake Sebastian." Iritado kong reklamo.
Ibinaba ni Jake ang blue highlighter sa mesa ko habang tumatawa pa at mabilis na sumubsob ulit sa binabasa.
Ayan, sakto na sila.
"Dahlia! Dahlia! May humahanap sayo!"
Tila nagpintig ang tainga ko sa ingay ni Lexie. She and her friends are looking outside the door.
"Sino raw?" Wala sa sarili kong saad.
"Wait. Let me check,"
Pumunta si Peggy sa kumpulan nila roon at nagulat. She excitedly ran towards me.
"OMG! It's Klark from the other block!"
Marami tuloy classmate namin ang nag-usisa. Tumayo ako at lumabas upang makita si Klark Mallari na may hawak na box na pula.
