Chapter Eleven: Kendra!

106 4 0
                                    


I woke up with a foreign pain at the back of my head down to my nape. Sobrang sakit ng buong ulo ko tapos sinasabayan pa ng hilo. Tumingin ako sa paligid ngunit wala akong makita dulot ng sobrang kadiliman.

Sinubukan kong galawin ang katawan ko ngunit 'di ko ito magawa. Sinubukan kong galawin ang mga daliri ko at nagawa ko itong gawin ngunit nang subukan kong i-angat ang mga kamay ko ay naka-stuck ito. 'Di ko rin magalaw ang mga paa ko at doon ko napagtantong nakatali pala ako sa isang upuan.

Wala akong maalala. Muli kong binalikan ang ala-ala kong nasa trabaho ako. Nagtapos ako ng report para sa magiging collaboration ng kompanya namin. Pagkatapos ay may mga inaprubahan pa akong mga reports then pumunta yata ako sa isang food chain.

I groaned in despair as I tried my best to remember what happened yesterday. Pagkatapos ko mag-order, dumiretso ako sa bahay.

Tapos pagkapasok ko ng bahay ay doon ko nakitang...

"Kendra!" Sigaw ko. Natandaan ko na. nakita kong walang buhay sa kwarto si Denise. "Kendra nasaan ka?! Naririnig mo ba ako?! Kendra!"

"Kendra!" Sigaw ko muli. Naiiyak na ako dulot ng sobrang kaba. Unti-unti ko nang naaalala ang mga nangyari. 'Di ko kayang mawala ang asawa at anak ko dahil sa kalokohan nila. Hindi ako papayag!

"Kendra!" Sigaw ko ng isa pang beses. "Bakit!? Lumabas kayo! Kung nasaan man kayo 'wag na kayong magtago! Anong kailangan ninyo sa amin?!"

Ginalaw-galaw ko ang mga kamay at paa ko ngunit masyadong mahigpit ang pagkakatali. Sinubukan kong i-drag ang upuan patungo sa pinto kaso masyadong mabigat ang upuan at wala pa akong enerhiya.

Biglang bumukas ang pinto at nasilaw ako sa liwanag na nasa kabilang parte ng pinto.

"What is your problem?! Can you just shut up?" He exclaims. "Kendra was hard enough to deal with so just shut up."

"Nasaan si kendra?!" Sigaw ko. "Nasaan ang asawa ko? Hayop ka! Ilabas mo siya ngayon din!

Bigla akong sinakal ni Tanner at nanlaki ang mga mata ko. 'Di ko siya mapigilan kasi nakatali nga ang mga kamay ko. Tinitigan ako sa mata ni Tanner at kitang kita ko ang galit sa kanyang mga mata. Hindi ako nagpatalo sa titigan.

Tinaggal ni Tanner ang mga kamay niya at napairap. I took a big breath trying to catch my breath. "You should be thankful that she doesn't want you dead. If it weren't for her, I would've already killed you."

"Hayop ka! Paano nyo bang nagawa ito?! Ano ba ang problema ninyo sa utak?!"

Napatawa si Tanner habang hinihingal na ako dahil sa sobrang galit at sa sakit na nararamdaman ko parin sa leeg, braso, kamay, at likod ko.

"We have plans for you and the girls." He then smirks and leaves the room.

Patuloy ko siyang sinigawan pero 'di niya ako pinansin at dumiretcho na syang palabas ng kwarto.

I struggled to get out of my chair but eventually bumalik si Tanner after around ten minutes para pakainin ako ng dinner. Almost 24 hours akong knock out. Nalaman ko ito kasi nakita ko ang relo sa labas ng kwarto.

Buti nalang mataas yung sandalan ng upuan na ginamit saakin kaya 'di pa ako namamatay sa sakit ng leeg ko.

May tinaggal siya sa plastic bag na dala nya and inside was a container from LaVerne's. Isa siya sa mga mamahaling restaurants dito sa lugar namin.

Inayos niya yung container tapos napairap. "Open up."

Hindi ko binuksan ang bibig ko at iniwas iwas ang pagkain.

"What is your problem?! You are so stubborn!" Sigaw ni Tanner. "You are lucky I can't kill you 'cause you're the 'prized possession.'"

"Prized possession?" Tanong ko.

Ngumisi ito at tumingin sa pader na parang bang may inaalala. "Yes. Prized possession. All of this mess is because someone who lost the game wanted the trophy. And you're the trophy of this bloody game."

"Stop talking nonsense and tell me right away!"

Umirap ito. "In the right time, you'll know."

Nanginginig akosa galit dahil mas lalo n'yang pinagulo yung sitwasyon. Pumikit ako at huminga.

Sinimangutan ko muli at sininghalan siya. "Fine. Pero nasaan ang asawa ko?!"

He laughed like a maniac then clenched my jaw with his hand. I struggled not to groan too much to show vulnerability. Because that would be considered as giving in to his wishes. Hindi ako papayag na ma-satisfy siya sakin.

"You'll know in a few days. Like I said, in" He smirks tapos tinanggal na niya ang kamay niya mula sa nguso ko. "Now eat up before I eat this in front of you."

Hinayaan ko nalang na subuin niya ako kasi alam kong kakailanganin ko ng lakas para makatakas.

Naubos ko na ang pagkain at pagkatapos linisin ang kalat ay umalis na si Tanner sa silid. I tried freeing my hand once more but again, it would budge. Sobrang hapdi na yung mga wrists ko dahil sa pagkakatali na sa kaunti pang galaw ay dudugo na ang mga ito.

Sinubukan kong itaas ang lubid na nakatali sa bandang torso ko ngunit 'di ko rin ito magawa.

Bumalik muli si Tanner sa kwarto na may dalang isang medical kit. Umupo siya sa may tabi ko at binuksan niya ito. Ang laman nito'y isang bote at isang syringe na nakabalot sa mga bubble wrap.

"Ano 'yan?" I asked as I cautiously eyed him playing the syringe around.

Tumingala siya at tumingin sakin. Ngumisi si Tanner at nilaro ang syringe. Inilipat niya ang gamot sa syringe at saka ibinalik ang bote sa may kit.

"This?" Tanong niya habang nakaturo sa syringe na nasa kamay niya. "Don't worry it's just a sedative so that I can easily move you to your bed."

"Don't you dare touch me!" Sigaw ko.

Napahiyaw ako sa sakit dahil sa sinubukan kong pumiglas ay nagalaw ako nang iturok sa akin ni Tanner ang gamot sa kaliwang braso ko.

Inayos na niya ang mga ginamit niya tapos umalis na siya sa kwarto. Medyo nahilo na ako at ramdam kong umiikot na yung paningin ko.

Sinubukan ko muling ilusot ang kamay ko sa mga lubid na nakapulipot sa mga kamay ko ngunit nanghihina na talaga ang katawan ko.

Naramdaman ko na rin ang pagdugo ng mga pulso ko ngunit namamanhid na ako dahil sa tinurok na gamot at sa mga pumapasok sa isip ko.

But before I could close my eyes, I saw them dragging an unconscious Kendra yet I was too drowsy to even move my hands.

And before I knew it, everything went black.

Unwanted Vengeance [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon