Mayamaya ay umalis na si Amara at nang alisin kona ang atensyon ko sa taas, nakita kong takot na takot na sumisilip si Kei mula sa pintuan ng kwarto. Bumangon na ako sa pagkakaupo ko sa hagdan at naglakad papunta kay Kei. Habang naglalakad, narinig ko ang maingay na makina mula sa labas. Parang helicopter?!
Hinayaan ko muna ang mga katanungang tumatakbo sa utak ko at niyakap si Kei. Hinalikan ko ang ulo nito at hinimas himas ang braso niya.
"B-babe? Makakalabas ba tayo ng buhay?"
I ran my hand through Kei's hair. Hindi ko alam. "Oo naman babe. Kailangan lang nating magtiwala. Soon, magiging mapayapa ulit tayo."
Biglang napaluhod si Kei at napalaki ang mga mata ko. "Kei!" Sigaw ko. "Anong nangyayari sayo? Are you okay?"
"J-jace. Sumakit bigla t-t'yan ko. Ang sakit."
Binuhat ko papunta sa kama si Kei. Hinawakan ko ang mukha habang nagpipigil ng luha. "Magpahinga ka muna baby. Napagod ka lang. Paggising mo, mawawala rin yan."
Nakasimangot na tumango si Kei. Pumunta ako sa mini kitchen at kumuha ng tubig. Pinainom ko si Kei nito at ipinatulog.
Pumunta ako sa kabilang kwarto kung nasa'n ang cr. Kumuha ako ng t'walya at damit at napakunot ang noo ko. Bakit kaya may mga damit si Manang Flo ng lalake at babae dito. Tatanungin ko nalang mamaya.
Naghubad na ako at binuksan ang shower. Nagsimula na akong maligo na hindi binabasa buhok ko dahil sa sugat ko. Hindi ko mapigilang isipin kung gaano ka-effective ang magiging plano namin. Alam kong maganda ang magiging plano namin kasi may mga strategies kaming gagamitin pero hindi ko maiwasan ang what ifs. Tulad ng what if hindi kami makalabas ng ligtas o mas malala. Buhay.
I sighed. Bahala na. Kailangan ko munang magpokus sa kasalukuyan. Kung paano ko rin maiingatan ang magiging anak ko.
Lumabas na ako at nagpunas. Nagbihis na ako at napasimangot. Sakto sakin itong kulay white na t-shirt at grey na sweatpants. Lumabas na ako ng kwarto at nagulat ako na nakaupo sa may kusyon si Manang Flo.
"Manang. Ano pong ginagawa ninyo dito?" Tanong ko sa matanda.
Ngumiti ito at sinenyasan akong umupo. Napakunot noo ko kasi nakatitig ito sa akin habang umuupo ako. Ilang minuto na kaming nagtititigan nang bigla siyang magsalita. "Kamukha mo talaga siya."
I furrowed my eyebrows in confusion. "Sino po?"
"Ang ex-boyfriend ni Amara." Simple nitong sagot.
Nalaglag ang panga ko. I stared at her with disbelief. "Ano pong ibig ninyong sabihin?"
She laughed lightly and put her hands on her legs. "Kamukha mo si Henry. Si Henry ay ang unang boyfriend ni Amara. Childhood friends sila at super close nung dalawa. Nang pumasok sila ng highschool, naging sila. Ngunit nang mag-fourth year sila ni Amara, ipinapatay ni Jericho si Henry. Walang nakakaalam kung bakit ito ipinatupad ni Jericho pero pagkatapos nito ay nadepress si Amara."
I blinked several times making sure that I wasn't dreaming. Unfortunately, I wasn't.
Nagpatuloy siya. "Pagkatapos noon ay tuluyan nang nabaliw si Amara. Matalinong baliw. Idinadaan niya ang depresyon niya sa pagpapatay ng tao hanggang sa isang araw, nag-away sila ni Jericho at ipinatay niya ang kanyang ama. Simula rin nito, ay saka siya nagsimulang magbahagi sa'kin ng mga ginawa at ginagawa niya dahil nga ay patay na ang papa niya at wala na siyang mapagsabihan ng mga kalokohan niya. Parehas silang nabaliw dahil sa pag-ibig."
"Pero bakit n'yo sinasabi ito sa'kin manang?" I asked nervously.
"Kasi nga, kamukha mo si Henry. Iniisip niya na kapag nakuha ka niya ay sasaya na siya. At pinapapatay niya ang lahat ng taong nagmamahal sayo at minahal ka. Delikadong tao si Amara. Kailangan ninyong makatakas para magkaroon ng hustisya ang lahat ng pinatay niya. Kailangang may plan B kayo Jason. Napakatalino ni Amara."
"I-ibig sabihin po bang patay na po sina mama?" Tanong ko habang nagpipigil ng iyak.
Sumimangot si Manang Flo. "Sorry, hijo. Pero sa pagkakatanda ko ay patay na sila noong araw na nakidnap ka."
Tumayo ako at napakagat ako sa labi. Ramdam ko na parang kumikirot puso ko. Lumapit ako sa pader at sinuntok ito. Papigil akong sumigaw kasi ayokong magising si Kendra at napa-collapse ako. I'm slowly losing my sanity. Unti-unti na akong nawawalan ng ganang mabuhay. One day, I was a happy soon to be father who found peace, the next, I found out my family and friends are dead and the mastermind is my ex's best friend and husband.
Sinabunutan ko sarili ko at sinuntok ang sahig.
Sawa na ako! Pagod na ako! I started to cry. Karma ba 'to sa mga kasalanan ko noon? Pero bakit damay lahat ng pamilya ko? Bakit pati mga inosenteng tao nadadamay.
I punched the floor again at nakita kong may dugo-dugo na ang sahig. Ipinikit ko ang mga mata ko and I thought of Kendra. I thought of our future family. I thought of my future child. There's still a reason to live. I have to look at the bright side. Magiging tatay pa ako.
Tumingin ako kay Manang Flo at nakita ko ang malungkot niyang mukha. I need to help her too. I need to help her escape her crazy grandchild.
Bumangon ako at muling umupo sa harap ni Manang Flo. "I'm sorry for the outrage. Napupuno na talaga ako."
"Ayos lang hijo. Naiintindihan kita."
Huminga ako nang malalim. Kailangan kong malaman kung sino ng aba talaga si Amara. I need more information. "Pero bakit parang normal na tao lang si Amara buong college life po namin? Bakit walang ni isang nakaalam tungkol dito?"
"Tahimik lang na tao si Amara at si Henry. Ang tanging nakakaalam sa relasyon nila ay ang mga magulang nila, ako, at ang kapatid ni Henry. Kaya mahal na mahal din ni Jericho si Amara kasi alam niyang magiging matagumpay si Amara sa pagpapatuloy ng negosyo nila. Pero 'yun nga, nang mamatay si Henry, nagkunwari siyang na walang nangyari pero kapag kasama na niya ako, lagi niyang kinekwento kung paanong ipinatay ni Jericho si Henry."
Tumango lang ako. Pero may naalala ako na gusto kong itanong. "I'm sorry you had to go through these. Pero Manang, matanong ko lang po, kanino po itong mga damit na ito?"
She smiled sadly tapos inayos n'ya ang pagkakaupo niya.
"Kay Jericho at kay Aimee 'yan. Sa magulang ni Amara."Napalunok ako. "Maraming salamat po Manang."
"Bukas nalang, hijo. Magpahinga ka muna."
"Sige po manang. Magandang gabi po."
I need to rest and regain my strength. To save my family and you. I thought to myself.
Pinanood kong umakyat si Manang Flo at nang isara niya ang pinto, tumayo na ako. I walked to the nearest mirror and frowned.
My bloodshot eyes, acne, dried-up lips, cuts on my forehead. The list goes on. Tumingin ako sa kamay kong duguan. I needed to clean this.
Pumunta ako sa kwarto kung nasaan ang first-aid at nilinis ang sugat. I hissed at the sharp pain as the antiseptic came in contact with my bloody knuckles.
I sat at the edge of the bed and thought deeply.
I will escape. I know I can. I will escape with my wife, child, and Manang Flo.
BINABASA MO ANG
Unwanted Vengeance [COMPLETED]
Mystery / Thriller[GENRE: PSYCHO-THRILLER] Language: English-Tagalog No one knows what the future beholds. That's what Jason Maravilla is about to discover after being abducted. He will realize that life is full of plot twists. As he tries to escape a hellhole, will...