Chapter Fifteen: Safe And Sound

32 2 0
                                    

Napalunok ako. I was speechless. Namuo ang mga luha sa mga mata ko.

"Ngunit swerte ka, Jason. Iba ang intensyon sa'yo ni Amara kaya 'di ka kayang patayin ni Amara. Pero kahit ganon ay kailangan mo paring mag-ingat."

Nanginginig na ako sa galit at takot. "P-pero paano n'yo po nalalaman ang l-lahat ng ito?"

She frowned and closed her eyes. Humigpit ang kapit niya sa kamay ng upuan at naglabas ng isang mahabang hininga. "Apo ko si Amara. Kilala ko ang lahat ng biktima niya kasi sinasabi niya ito lahat sa akin. Una niyang mga biktima ay ang kanyang sariling mga magulang-"

"Bakit 'di ka magsumbong sa pulis kung ganon?!" napasigaw ako. Ramdam ko ang sobrang galit sa katawan ko. Tila ba gusto kong suntukin ang lahat ng mga nakikita ko.

"Baby, tama na." Pag-awat sakin ni Kei. Tumingin ako sa mga mata niya at pugto na ito sa kakaiyak. I'm hurting for her as well. "Hayaan mo siya mag-explain. Please."

I simply nodded and she continued talking. "Gusto kong magsumbong, pero masyadong makapangyarihan si Amara. Ang tatay niya ay parte ng isang ilegal na organisasyon na pagmamay-ari na ngayon ni Amara. Tanda ko ang araw na iyon. Paalis ako ng bahay nag biglang nandilim paningin ko. Paggising ko ay nakakulong ako sa isang kuwarto. Gusto akong ipapatay ni Amara pero marami akong alam na sikreto tungkol sa anak ko kaya 'di niya ako nagawang patayin."

Napakagat ako sa labi ko dulot ng sobrang kaba. Damn it. I started caressing Kei's arm trying to calm her down in a situation where no one can calm down. Sa tagal nang magkaibigan ni Luna at ni Amara, wala bang napansin si Luna kay Amara?

"Isa ito sa mga bahay ni Jerick, ang ama ni Amara. Alam ni Amara ang lahat ng taguan sa bahay na ito. bukod sa basement na ito. Nandito ang lahat ng ebidensyang kailangan para makulong si Amara. Ngunit, hindi pa kakayanin ngayon."

"Ano ang kailangan kong gawin Manang?" Tanong ko na halos mangiyak-ngiyak na.

Uminom ng tubig si Manang Flo na galling sa isang bote ng tubig na nakalagay sa maliit na lamesa. "Kailangan n'yong tumakas. Mayroon akong mapa dito. Pero kailangan ninyong mag-ingat kasi bantay sarado ang lupa na ito. Sobrang laki ng lupa na binili ni Jerico na halos isang syudad na ang laki nito."

Tumango ako at hinalikan ko sa ulo si Kei kasi naramdaman ko bigla ang sobrang pangangatal niya.

"Pero dito muna kayo ng ilang araw. Kakailanganin muna ninyo ng pahinga bago sumalang ulit sa gulo. Wag na kayong aalis dito sa basement kasi anytime pwedeng dumating si Amara."

Tumango ako at kinagat ang mga labi ko para pigilan ang mga luhang gustong lumabas. Pumikit ako at inisip ko na kailangan kong magpakatatag.

"Nga pala." Ani ng matanda. "Kumpleto na ang kailangan ninyong gamit dito. Marammi akong nakatambak sa pagkain at inumin dito. Kumpleto rin ang first aid ko. Mayroon din akong dalawang kwarto at isang banyo dito. 'Wag na kayong mahiya. Kailangan ko nang bumalik sa taas at tiyak na hahanapin kayo ni Amara dito. Tandaan ninyo na kahit anong marinig n'yo ay manatili kayong tahimik. At isa pa. Dalhin ninyo ang handgun na nasa ilalim ng kama sa pag-alis ninyo"

"Opo. Salamat po." Sabi ko. Bumalik na sa taas ang matanda at narinig kong ibinalik niya ang lamesita.

"Babe, sure ka bang safe tayo dito?" Tanong sakin ni Kei.

Umiling ako. "I'm not. Pero mas okay na ito kaysa sa maglakad lakad tayo sa labas. Kailangan nga din natin ng pahinga."

Pagkatapos ay pumunta kami sa kwarto. Kinapa ko ang kamay ko sa ilalim ng kama at may naramdaman akong maliit na kahon. Hinila ko ito palabas at tama nga ang matanda. May nilalaman itong baril. Isinara ko ang kahon at ibinalik ito sa ilalim.

"B-Babe anong nagyari sa likod ng ulo mo?" Takot na tanong ni Kei.

"Ahh, nung kinidnap ako nina Tanner at Amara, tinamaan ako ng baseball bat ni Tanner. Ang sakit pa nga ehh."

"Upo ka babe. Gagamutin kita. Isa ito sa napractice sakin ni ate noon."

Nilinis ni Kei ang sugat ko sa ulo at saka nilagyan ng balot. I hissed at the pain every time na nahahawakan ni Kei ang ulo ko. Pagkatapos ay tumingin ako sa salamin at napangiti. "Thank you, baby. I love you." Sabi ko sabay halik sa kanya.

I pulled away and smiled. "I love you too." Sagot nito.

Mayamaya ay dumapa muna ako sa kama habang naliligo si Kei. Tinignan ko ang mapa na halos kakabigay lang sakin ni Manang Flo. Tinignan ko ang ruta at ang compass. Sa mapa may mga pula pulang tuldok na nagsisilbing tanda kung saang may mga bantay si Amara.

After a few thinking of different strategies, may plano ako paano kami makakabalik sa syudad. Malapit sad ulo ng lupain ni Amara ay may isang elementary school. Sakto. Sana makalaya na kami.

Nang ilapag ko ang mapa sa lamesa, may narinig akong sigaw.

"Nasaan sila?!"

Nagitla ako at alam kong si Amara iyon. Naglakad ako papunta sa may pinto papuntang taas para mas dinig ko ang usapan nila Manang Flo at Amara.

"-pero wala sila dito. Ni hindi ko nga alam na nakuha mo na sila."

"Kailangan ko silang mahanap! Hindi pwedeng mawala si Jace sakin ulit."

Nagkaroon bigla ng katahimikan at nagulat ako nang marinig kong may nagpaputok ng baril. "Alam kong may alam ka dito! Once na malaman kong kasabwat ka sa pagtakas nila papatayin rin kita!"

Baliw. I thought to myself. Baliw na baliw si Amara. Kailangan ko syang patayin. 

Unwanted Vengeance [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon