Its been a week simula nung nangyari yung sigawan scene sa bar. Isang lingo ko na ding hindi pinapansin si Ken. Baka masigawan lang ulit ako nun. Hindi ko na rin nakita yung Clyvin, balak ko pa sanang isauli yung panyo nya. Ahhhh! Bahala na nga!
Paalis na sana ako ng building nang bigla nalang umulan ng malakas. Buti nalang dala ko yung payong ko. Naglakad na ako sa ulan papunta sa gate. Nadaanan ko yung soccer field at napansin kong may lalaking nakaupo sa isang bench doon at basing basa na ng ulan. Teka? Si Ken yun ah? Anong ginagawa nya? Magkakasakit sya nyan!
Lalapit na sana ako sa kanya ng bigla akong napaisip. Bakit ko siya lalapitan? Baka masigawan na naman niya ako. Dapat hindi ko na siya pakialaman! Ano ba nya ako? Tatalikod na sana ako pero nagbago ang isip ko. Ahh bahala na! Bahala na kung anong isigaw niya sakin. Hindi kakayanin ng konsensya ko pag may nangyaring masama sa kanya. Pagkalapit ko sa kanya ay agad ko siyang pinayungan. Tumingala siya mula sa pagkakayuko para makita kung sino ang pumapayong sa kanya. Pagkakita niya sakin bigla siyang yumuko ulit.
"Anong ginagawa mo dito?" mahinahong sabi niya.
"Ako dapat nagtatanong sayo niyan. Anong ginagawa mo dito? At bakit ka nagpapaulan? Alam mo bang magkaka-sakit ka sa ginagawa mo?"
"Umalis ka na, gusto kung mapag-isa"
"Kailangan talaga sa ilalim ng malakas na ulan? Hindi ako aalis pag hindi ka din aalis!"
"Dito lang ako at wag mo nga akong payungan"
"Sigi hindi kita papayungan pero hindi rin ako mag papayong" sabi ko sabay sara ng payong ko at tumabi sa kanya sa bench habang nagpapaulan.
"Bakit mo ba to ginagawa?"
"Para hindi ka magkasakit"
"Hindi yun, yung pagsunod-sunod mo sakin noong nakaraang linggo?"
"Dahil binilin ka sakin ng bestfriend ko at gusto ko ding mapasaya ka dahil sa pagkakilala ko sayo masayahin kang tao. Kahit naman papaano tinuring na din kitang kaibigan at ayaw kong malungkot ang mga kaibigan ko"
"Tss"
Wow ha? Ang haba ng sinabi ko tas yan lang sasabihin niya. Ano ba yan!
"Halika ka na nga" sabi niya sabay hila sakin patayo at nauna na siyang maglakad.
Habang naglalakad kami bigla nalang akong nahilo. Ang sakit ng ulo ko at parang umiikot ang paningin ko at----- at---- *BLACKOUT*
Ken's POV
"Tss" yan lang sinabi ko sa lahat ng sinabi nya. Galit ako. Hindi kay Kathrina kundi kay Alliyah-_-
Binilin? Ano ako bata na kailangan ng babysitter. Bakit kailan pa niya akong pabantayan kay Kathrina dba wla naman siyang pakialam sakin. Dahil kung may pakialam siya hindi niya ako iiwan o nagpaalam man lang sana siya! Pero higit sa lahat galit ako sa sarili ko dahil kahit gaano pa siyang walang pakialam....mahal ko parin siya!"Halika na nga" hinila ko na siyang patayo at nauna akong maglakad. Baka magkasakit pa tong babaeng to!
"Bilisan m---KATHRINA?" napasigaw ako dahil paglingon ko bigla nlang natumba si Kath. Dali-dali akong lumapit sa kanya at binuhat siya.
"Sir ano pong nangyari?" tanong sakin ng driver namin ng makalapit kami sa kotse pero hindi ko na pinansin ang tanong niya
"Manong buksan niyo ang backseat bilis!"
"Opo sir" at binuksan na niya ang pinto.
Dahan dahan kung inihiga si Kathrina sa kotse at pumasok na din ako. Nasa lap ko ang ulo ni Kath. Natataranta ako, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hinawakan ko ang noo at grabe sobrang init niya. Yan kasi nagpaulan pa! Pinaandar na ng driver ang kotse habang ako hindi mapakali sa kinauupuan ko.
"Sir saan po tayo?" teka saan ba nakatira ang babaeng to? Ah bahala na nga.
"Sa bahay tayo manong"
"Opo sir"
