Kathrina's POV
Ahh! Anshakit ng ulo ko! Ano bang nangyari? Bumangon na ako sa kama at tatayo na sana para hanapin ang tsinelas ko pero nawawala ito. Hinanap ko sa ilalim ng kama pero wala, pati din sa ilalim ng cabinet. Alam kong ang weird ko pero pati na din sa loob ng refrigerator hinanap ko na din pero wala pa din. Baka tinatago lang ni kuya. Bubuksan ko na sana ang pinto para puntahan si kuya ng may na realize ako. Kailan pa ako nagkaroon ng ref sa kwarto?. Nilibot ko ang paningin ko at ..What the! Nasan ako? Kaninong kwarto to? Pagtingin ko sa damit ko bakit iba!? Waaah! Pero, bakit kaya pamilyar ang kwartong to. Wait kay--kay--
"Oh gising ka na pala?" napatakbo ako bigla sa kama at nagtaklob ng kumot nang pumasok si Ken.
Waah! Ano ba talagang nagyari? Bakit wala akong maalala.
"Hoy! bakit ka nagtatago diyan?" sabi nya sabay upo sa tabi ko.
Waah! Mama! Baka ginahasa niya ako kagabi. Ang pagkababae ko! Tinanggal ko ang kumot na nakataklob sakin. Humarap sa kanya at- -at
*PAK*
sinampal ko siya ng bonggang bongga.
"What was that for?" halatang gulat na gulat siy sa ginawa ko.
"Walang hiya ka! I hate you! I hate you! Binaboy mo ako! I hate you!" sigaw ko sabay hampas sa kanya ng pagkalakas lakas. Brutal kaya ako kung hindi niya pa alam kaya sorry sya!
"What- -aw! aw- - are you- - ouch- - saying?" sigaw niya din sabay ilag sa mga hampas ko.
"Sir! Ano pong nangyayari dito?" isang lalaking may katandaan na ang biglang lumitaw sa may pintuan at hingal na hingal.
"Narinig ko po kasing may nagsisigawan dito, akala ko ano nang nangyayari"
"Ito po kasing si Kathrina, nagdidiliheryo na yata! Kayo po muna ang bahala sa kanya ihahanda ko muna ang pagkain niya baka nalipasan na siya ng gutom kaya ganyan!" sabay lakad ni Ken paalis.
Anong nagdidiliheryo? Sino? Ako? WTF?. Lumapit yung lalaki sakin at hinawakan ako sa magkabilang balikat habang yinuyugyug ako.
"Maam! Maam! Ano pong nangyayari sayo?!"
"Manong! Okey lang ako! Nahihilo ako sa pagyugyug niyo!"
"Ay! Sorry po maam" sabi niya sabay tanggal ng hawak nya sakin.
"Eh bakit po kayo sumisigaw kanina?"
"Kasi...kasi po manong... Waaaah! Huhuhu :'( "
"Maam tahan na po, ano po ba talagang nangyari?"
"Manong binaboy nya ako! Waaaah!"
"Huh? Nino po?"
".....ni Ken"
*silence*
"Bwahahahahaha XD Nakakatawa kayo. Pano nyo po nasabi? "Hinding hindi po yan magagawa ni sir. Hahaha"
