salamat sa mga comments moh
--------------------------------------------------------------------------------------------------------
*tittilaok! tiktilaok!* (haha! wlalang basagan ng trip =P)
"Good morning Philippines!" GV ako ngayon, what a great day to start my mission! Pagkatapos ko batiin ang buong pilipinas ay naligo na akoa agad at nagbihis.
*Tok!Tok!*
"Princess gising na!" rinig kung sabi ni kuya at bumukas ang pinto, hindi ko pala na lock yun kagabi. Pagkabukas niya nito, napalaki ang mata niya at medyo napanganga. Nakatulala lang siya dun sa pinto ng ilang minuto. Napataas naman ang kilay ko sa nangyayari sa kanya.
"Oh kuya?! Anyare sayo?!"
"Totoo ba toh?" kinusot niya ang mata niya para siguraduhing hindi siya nanaginip
"Totoo nga! Lord salamat po! Promise magiging good boy na ako parati" at niyakap ako ni kuya
"Huh? Kuya kinakabahaan na ako sayo! Naka-drugs ka ba?" sabay tulak ko sa kanya.
"Drugs ka diyan! Sayang naman ang kagwapuhan ko kung magdru-drugs lang ako"
"Ang hangin promise!"
"BTW kuya, napano ka nga pala kanina?"
"ahh yun ba? I was just surprised!!"
"surprised with what?!"
"Na maagang kang nagising! sa pagkakatanda ko parehas lang naman tayo ng kinain kagabi pero bakit nauna kang nagising sakin? Anong nakain mo at ipapakain ko sayo parati?"
"Kuya your just over reacting! Sadyang good vibes lang talaga ako kaya maaga akong nagising. Sigi na kuya, mag-aayos kana. Maaga nga akong nagising baka pero ma late naman ako sa kaka chika mo" at tuluyan na siyang lumabas ng kwarto ko.
Pagkatapos kung gawin ang kailangan kung gawin (haha, parang timang lang noh?) ay pumasok na ako sa sasakyan at si kuya ang maghahatid sakin. Namiss niya daw kasi ako! Weh? e araw-araw naman kaming nagkikita. Since wala naman daw siyang pasok, siya nalang daw maghahatid sakin. Nang makarating na kami, nagpaalam na ako kay kuya at masaya akong pumasok sa school. Ng mag-recess na, sabay kami ni Terrence na pumunta sa canteen at sakto namang naka salubong namin si Ken.
"Hi Ken^_^" bati ko sa kanya pero ganito lang mukha niya -_-.
"Sabay ka nalang samin, tara!"
Hindi ko nalang pinansin ang mukha niya at hinila siya papunta sa canteen at thank you naman at hindi siya pumalag.Pagdating namin sa canteen, ang daming tao! buti nalang nakahanap kami ng vacant.
"Anong gusto niyo? Libre ko!"
"Talaga? Yehey! Kung anong kakainin mo yun nalang din ang akin"
hay! kahit kailn talaga tung si Terrence, pa supldo effect pa , eh isip bata naman. Komportable na daw kasi siya sakin kaya childish siya, suplado lang daw siya sa hindi niya close. Hay! kaechosan ng lalaking to!
"Eh ikaw Ken?"
" Hindi ako gutom -_-" wewnaman! ang cold niya, giniginaw tuloy ako.
Hahahaha corny ko ewww xD
"Sura ka?" tanong ko pero hindi siya sumagot! okay, silence means yes. Pumunya na ako sa counter para bumili ng pagkain namin ni Terrence since ayaw naman kumain ni Ken. Mukhang mahihirapan ako nito ah! Pero okay lang . kaya ko to!
AJA!
Pagbalik ko sa table , ayun si Ken nakataob yung ulo sa table...tulog ata! Pagkatapos naming kumain nauna ng pumunta si Terrence sa classroom, may gagawin pa daw kasi siya kaya kami nalang dalawa ni Ken naiwan. Since kami nalang dalawa ni Ken ang naiwan, sabay nalang kaming naglakad papaunta sa kanya kanya naming classroom. Habang naglalakad kami, hindi ko maiwasang ma awkwardan ...sobraaang tahimik >_
"Ahh Ken" tawag ko sakanya pero tumingin lang siya sakin at nag hihintay sa sasabihin ko. Ang baho na siguro ng hininga ng lalaking toh? Kanina pa to di nag sasalita eh.
" May tanong ako.."
"Ano?"
"Bakit tumawid ang manok sa daan?" binigyan niya lang ako ng look na "seriously?"
"Basta tanungin mo nalang bakit?"
"Fine..,Bakit?"
"Para maka punta siya sa kabila?!"
"=_= " ----mukha niya
"Hehehehe ^_^V! Hala malapit na plang mag time..sige, una na ako Ken ah!" palusot ko at kumaripas na agad ako ng takbo. WT? Saan ko ba napulot ang joke na yun? Kung joke ba talaga ang tawag dun??. Imbis na mapangiti ko siya mas lalo pa tuloy siyang napa poker face! Waaaaaah! Napaka Epic Fail ko talaga!!!!
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Halos ilang weeks na din akong nagta-try na mapa smile si Ken pero wa epek eh! Naging routine ko na ang panlilibre sa kanila. And pag sinabi kong sa KANILA, pati si Terrence kasama. Paminsan minsan lang naman tinatanggap ni Ken ang libre ko pero si Terrence? Hinding hindi tatanggi yan! Lagot talaga sakin yun! Nang aabuso na eh! Hahaha echos lang! okey lang naman saking parating ilibre si Terrence, bespren ko naman yun eh!
Pati ang pagka corny ko naging daily routine ko na din at promise hiyang hiya na talaga ako. Ito sample ng ka kornihan ko......
*FLASHBACK*
Pagkapasok ko sa school, saktong kadarating lang din ni Ken kaya sumabay na ako sa kanya, wala naman syang pake eh!
"Good morning ken"
"morning-_-"
"ang aga aga nakabusangot yang mukha mo"
"There's no reason for me to smile" ay ganun? dahil nakabusangot sya mag jo-joke nalang ako.
"Pwedeng magtanong?"
"Nagtatanong kana -_-" ay? binara ako?
"Seryoso tong tanong ko kaya sana sagutin mo ako ng maayos"
"Im listening"
"Okey, ito nah" bumuntong hininga muna ako at
"Ano ang mas nauna? Itlog o manok?"
=_= -mukha nya.
Waaaaaaaahh! epic fail na naman. Pano to? Paano ako lulusot?
Saktong dumaan si sir at tinawag ako.
"Ms. Chui, sumama ka sakin" thank you sir! Your my savior.!!!
"Sigi Ken una na ako! Kita nalang tayo mamaya! BYE!" at nakatakas na naman ako sa kahihiyan.
*END of FLASHBACK*
Waaaaaaaaah! Nahihiya talaga ako sa tuwing naaalala ko yun. Promise last na talaga yun!
