Chapter 7: The Day That She Left

95 6 0
                                    

Alliyah's POV

"Babe!"

"hmmm?" andito kami ngayon ni Ken sa ilalim ng isang puno at magkatabing nakasandal dito habang magkahawak kamay.

"Na iisp mo ba na minsan na baka talagang tayong dalawa ang magsasama habang buhay?"

"Syempre naman"

"Ako,araw araw kong iniisip yun kasi yun talaga ang pangarap ko"

Sana nga magkatotoo ang pangarap mo pero parang malabo na yun. I think this is the last time na magkakasama kami ng ganito because one week na simula nung sabihin ni daddy sakin na aalis kami. Ang malungkot pa dun ay bukas na ang alis namin. Hindi ko na sinabi sa kanya at sana tama ang naging desisyon ko. At sa pag-iwan ko sa kanya sana mapatawad niya ako. I'm really sorry Ken.

" I Love You Ken"

"I love you too, Wag mo akong iiwan ha? Dito kalang sa tabi ko!"

Kung pwede lang sana Ken, Kung pwede lang talaga.

Kathrina's POV

"Dadalhin ko to!, Pati toh, pati din toh!"

"Dalhin mo nlang kaya buong bahay niyo?" pagrereklamo ko. And dami niya kasing gustong dalhin, kulang nalang pati kami i pasok niya sa maleta niya.

"Best hindi ko kasi alam kung kakayanin kung iwan ang buhay ko dito"

"Sabi ko naman sayo eh, hindi mo kailangang mag-sakripisyo para samin, mas mabuti na sigurong hindi ka tumuloy"

Pinahiran niya ang luha niya at tumayo.

"Hindi! hindi ako papayag! Kaya ko toh"

"Best!"

"Promise kaya ko toh! kakayanin ko. Hindi naman siguro kami titira dun habangbuhay?"

"Sigi tapusin na natin ito to, malapit na mag 2"

Pagkatapos namin mag empake ng gamit niya ay sinakay na namin sa likod ng kotse nila ang mga bag niya at hinihintay nalang niya ang tawag ng daddy niya. Habang naghihintay kami ay umupo muna kami sa may garden nila at binabalikan ang mga masasayang alaala namin.

Chapter 7.2

"Naalala mo pa nung naglalaro tayo ng bola tapos natamaan natin ang bintana ng kapitbahay niyo"

"Oo nalala ko yun. Nabasag yong bintana nila. Pulang-pula at umuusok ang tenga at ilong niya nun sa sobrang galit"

"Wahahaaha" tawa lang kami ng tawa at pagkatapos nun ay biglang tumahimik

*COMPLETE SILENCE*

Ilang minuto ding ganun ang atmosphere ng bigla niyang sirain ang katahimikan

''Ahhh best!''

''Hmm?"

"May request sana ako''

''Ano yun? Kahit ano!"

"-------- gusto ko sanang alagaan mo ang boyfriend ko. Alam kong hindi ito magiging madali para sakanya pag nalaman niya ito, sana wag mo nalang sabihin sakanya ang totoong dahilan. And one more thing! Ilayo mo siya sa ibang babae, ayaw kong may ibang lalapit sakanya"

"Paano kung magmahal siya ng iba?"

bigla nalang siyang natahimik sa tinanong ko at nage-guilty ako para don

''Sige wag mo nalang sagutin. Request granted! Wag kang mag alala, akong bahala sakanya"

"Thank you best"

niyakap ko siya sa huling pagkakataon dahil andito na yung daddy niya

"Alliyah..it's time"

pagkasabi ng daddy niya ay pumunta na siya sa kotse at pumasok

" Sige hija! Aalis na kami"

"Sige po tito! Ingat po kayo" sagot ko kay tito ng hindi pinapahalata ang konting galit ko sa kanya

Hindi na ako pinasama ni Alli sa airport dahil baka mag-iyakan lang daw kami dun at mag bago pa isip niya.

''Bye best!"

yan ang huli kong narinig at umandar na paalis ang sasakyan nila. Tinitingnan ko lang habang palayo ng palayo hanggang mawala na sa paningin ko ang paningin ko ang kotse nila. At dun na nag simulang mag unahan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Kinaya niyang mag sakripisyo kaya hindi ako umiyak para palakasiin ang loob niya. I will miss her! I will suerly miss her!

Chapter 7.3

Ken's POV

*DING! DONG! DING! DONG!*

Andito ako ngayon sa harap ng gate nina Alli, wala naman kasi akong gagawin sa bahay at miss ko na din agad si Alli.

"Ano po yun sir?" salubong ng maid nila pagka bukas ng gate

"Si Alli po?"

"Naka alis na po, papaunta na po silang America"

"America? Magbabakasyon po sila?"

"Nako hindi po sir! Doon na po sila titira"

"Ho?"

Bigla akong di nakagalaw sa narinig ko. Para akong binagsakan ng langit ng langit at lupa. America? Dun titira? Bakit wala akong alam tungkol dito? Wla man lang syang nabanggit kahapon.

"Anong oras ang flight nila?" natataranta kong tanong

"3pm po sir" sh*t 2:45 na! pano nato?Kailangan ko silang pigilan. Hindi pwedeng iwan nya lang ako ng basta basta. Kailangan ko ng explaination!

"Sigi, salamat po" at dali dali akong pumasok ang sa kotse ko at pinaharurot ito palabas ng subdivision nila

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

*pepep! pepep! pepep!*

halos masira ko na ang manibela ko sa kakabusina. t*ang*n*, pag dating ko kasi sa highway bigla nalang nagtraffic. Nananadya ba talaga tong si tadhana!

"Bilisan nyo nga!" sigaw lang ako ng sigaw at busina ng busina nang bigla kong naisipang tawagan ang bestfriend ni Alli, si Kathrina

"hellow!"

[ he-- hellow Ken?" ]

" Nasan si Alli??!!"

[ ah--eh-- kasi Ken]

"So totoo nga na papunta na silang America?" hindi ko na hinintay ang sagot at pinatay ko agad ang call. Tinawagan ko si Alli ng paulit-ulit pero hindi ko sya ma contact. How could she do this to me? may nagawa ba akong mali? okey naman kami ah! bakit sya aalis?

Pagkarating ko sa airport , tumakbo ako agad papasok at pumunta sa may counter

"Ms., anong oras ang flight ng Philippines to America?"

"Ahh sir, kaaalis lang po nga eroplano"

"sh*t! f*ck! p*ny*ta!" halos lahat na siguro ng mura nasabi ko na pero wa epek, masakit pa rin. So ganun-ganun nalang ? basta-basta nya nalang akong iiwan? ni isang salita, wla syang sinabi? kahit nagpaalam man lang sana sya pero wla eh. Para akong tanga! Nagmukaha akong isang malaking tanga!

Pinaharurot ko ang sasakyan ko na parang doon nilabas ang galit ko. Hindi ko namalayan na dinala na pala ako ng pagmamaneho ko malapit sa isang seawall. Mabuti nalang walang mga sasakyan ang papunta doon kaya hindi ako na aksidente. Tahimik akong umupo dun at nag isip ng malalim nang biglang may dumaan na eroplano sa langit. Siya siguro yun, I mean yun siguro ang sinasakyan nya at tuluyan nya na talaga akong iniwan. Hindi ko namalayan may tumulo na palang luha mula sa kanang mata ko pero pinunasan ko agad ito at umuwing sawi sa bahay.

* PLEASE LEAVE A COMMENT^_^

I Fell Inlove With My Bestfriend's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon