Chapter 4

2 1 0
                                    

HELLARY POV

Nang magmulat ako ng mata ay sumalubong sa akin ang isang hinding pamilyar na silid. Nasaan ako? Si SUNSHINE!! Napabangon naman ako bigla at doon ko lang napansin na may benda ang bandang tyan ko. Kung hindi ko naramdaman ang kirot mula sa sugat, Hindi ko matatandaan ang mga nangyari nung gabing yun bago kami mahulog sa—iwan ko ba kung ano tawag dun. Kaya napahiga na lang ako ulit.

Bigla namang pumasok na isang lalaki....Isa lang ang masasabi ko—ang cute nya na may pagka manly ang katawan..

"Oh! Gising na pala ang dyosa na katulad kong maganda!"

Ayy binabawi ko na ang sinabi kong manly... may pusong babae pala isang to... panigurado maraming maghihinayang dahil bakla pala to.

"Nasaan ako?" agad na tanong ko at pilit na bumangon ulit.

"Huwag ka munang bumangon! Masyadong malalim at may halong lason ang nakasugat sayo, Kaya baka mabinat ka."

Pagpipigil nito sa akin kaya hindi na tuloy ang plano kong bumangon sana pero wait— did he just said lason?! Puta! May lason pala yun.. kaya pala nung sinaksak ako ng Gaga ay tuwang-tuwa pa! At mabilis din ako nanghina that time.

"Lason?"kunyari hindi ko alam.. pero ang totoo hindi ko talaga alam.

"Oo, kaya matanong nga kita-"

"You already asking."

Inirapan naman nya ako ng barahin ko sya

"Chee!!! Nakasalubong ba kayo ng mga Darkinian?" nagtaka naman ako sa tanong nya

"Darkinian?" So yun pala tawag sa mga demonyong yun.

"Oo mga darkinian.. sila yung mga kalaban naming mga Enchantrian. They our enemy because they want to rule the entire Enchanted world. Hindi dapat sila mag hari sa mundo dahil pagnagkataon lahat ng pinapahalagahan ng bawat Enchantrian sa mundong to ay mawawala lang nang parang bula."

"Enchantrian? Enchanted?" Naguguluhang tanong ko

Napkunot naman ang noo nito at tinignan ako nito na parang isa akong weird na nilalang na nakasalamuha niya.

"Tell me, Are you not.... from this world?"

seryusong tanong nito at nakatingin diretso sa mga mata ko pero ng mapagtanto nyang walang emosyon ang mata ko ay siya na ang unang nag iwas ng tingin. Sasagutin ko na sana sya ng may biglang sumigaw.

"HELLARYYYY!!"

At hindi na ako magugulat kung kanino boses yun. Araw araw ko ba namang naririnig yun. Pagkapasok ng pagkapasok nya ay bigla na lang akong dinamba ng yakap.

"A-ARAYY!!" daing ko kaya agad naman itong napalayo sa akin sabay peace sign.

"Sorry,sorry! Oh my ghad gising ka na! Kala ko iiwan mo rin ako..."

Bakit ba ang hyper ng isang to? Palagi na lang sumisigaw— teka iiyak ba to?

"Are you-"

"WHAAA HUHUHUHU!"

Ayy umiyak nga. Napangiwi naman naman kami ni- 'I don't know what his name is'. Naalala ko naman ang sinapit ng mga magulang niya nung gabing yun dahil sa huling sinabi nito. Pilit ko namang bumangon uli at kahit kumikirot ay napag tagumpayan ko namang makabangon at umupo. Inabot ko ang kamay nya at marahang pinisil para pakalmahin sya.

DIVINE POWER: The Lost MoonlightWhere stories live. Discover now