Chapter 11

1 0 0
                                    

THIRD PERSON POV:

"I want to know the names of the members of this group." Agad naman silang nagpakilala kay Jake.

"Sunshine Lyn Ford."

Napakunot naman ang noon ni Jake ng marinig ang pangalang yun. Her name is a bit familiar? Napatingin naman siya sa natitirang ka groupo nila na parang may sariling mundo. Nang mahalata niyang nasa kanya na ang atensyon ng lahat ay agad siyang nagsalita.

"Hellary."

Napakamot naman sa ulo si Jake sa ikli nang sagot nito. Napatingin naman si Jake sa mga kasamahan niyang mukhang nakita ang reaksiyon niya dahil nagpipigil ng tawa yung iba. Sinamaan naman naman niya ng tingin ang mga kasamahan. Nagsiiwas naman ng tingin na parang walang may nakita.

"Buti na lang dito ako na punta sa groupong to at hindi sa groupong yun. Pfft." Natatawang sambit ni Brack.

Parang hindi naman mapakali si Sunshine at napansin iyon ni Hellary kaya agad siyang tinanong nito.

"Are you okay?" Pabulong na tanong ni Hellary sa kanya na ikinatango naman nito bilang sagot.

"Kinakabahan ka ba?" Tumango naman siya uli.

"Just relax, okay?"  Tumango naman ito uli na parang wala sa sarili at puro tango na lang ang sinasagot.

"You have a crush on him, do you?"  Tumango naman ito at huli niya ng marealize kung anong tinanong ni Hellary sa kanya. Nilingon naman niya at nakita niyang nagpipigil ng tawa si Hellary.

"H-hoy! H-hindi ah!" Napalakas ang boses niya sanhi ng paglingon naman ng lahat sa kanya. Nakaramdam naman siya ng hiya.

"Is there any problem Ms. Lyn?" Seryusong tanong ni prince Jake sa kanya na hindi naman alam ang isasagot niya. Akmang sasagot na sana siya ng si Hellary na ang sumagot.

"She's completely fine... I guess?" May pang-aasar na sagot nito. Sinamaan naman siya ng tingin ni Sunshine at palihim na kinurot. "What?!" Mahinang tanong nito sa kanya. "I just have to confirm it. If my guts is right and you know what... My guts is always right and never missed a thing." Saad ni Hellary at natatawa naman sina Jessy dahil katabi nila ito at nakikinig sa pinag-uusapan nila kanina pa.

"Ikaw ha... Hindi mo sinasabi na may-" Dali-dali namang tinakpan ni Sunshine ang bibig ni Nicole.

"Gusto niyong masapak?" Panakot na tanong nito. Pero imbis na matakot ay natawa na lang sila. Nabaling naman ang atensyon nila pabalik kay prince Jake nang magsalita ito.

"There are weapons here and you have to pick one. So that we can begin our training." Tinuro naman nito ang mga weapon na may ibat ibang uri.  Nauna na ang ibang pumili ng gusto nila at dahil parang walang balak na pumili si Hellary ng weapon ay si Jake na mismo ang kumuha ng bow and arrow at binigay niya dito na tinignan lang ni Hellary.  "Take this now, so that we can start." Wala namang nagawa si Hellary, labag man sa loob niya ay tinanggap niya naman ito.

Nang makabalik ay nakatuon lang ang atensyon nito sa hawak niyang sandata. Habang unti-unting bumabalik sa kanya ang mga ala-alang gusto niya nang kalimutan pero hindi niya kaya. Napapikit na lang siya habang kinakalma ang sarili at hindi niya namalayan na mahigpit na ang kapit nito sa sandata.

Napansin naman yun ng mga kasama niya. "Okay lang ba siya?" Nag-aalalang tanong ni Jessy Kay Sunshine na bakas sa mukha ang pag-alala rin. " I don't think so..." yun na lang ang naisagot niya dahil kahit siya ay hindi niya alam kung okay lang ba ang kaibigan niya.

DIVINE POWER: The Lost MoonlightWhere stories live. Discover now